37 - Playtime

331 16 4
                                    

Mika’s POV

Nabigla ako. Bigla na lang akong niyakap ni Nikee. Hindi ko magawang itulak siya palayo.

“Mika please, pansinin mo naman ako. Kung anuman ang nagawa ko, I’m sorry. I’m sorry…”

Naririnig ko yung pagkadesperado at ang pagbitak ng boses niya. Pero hindi siya dapat paniwalaan.

Itinulak ko na siya. Bago pa niya ako mapaniwala.

“What? At kelan ako nagsinungaling sa’yo Mika?”

“I don’t know. Siguro simula pa nung una!”

“Please Mika, sabihin mo naman sa akin kung anong problema…”

Sinusundan niya ako habang lakad ako ng lakad dito sa apartment,

“Then explain to me. Sinong kasama mo three days ago sa office mo?”

“Secretary ko?”

“Don’t sh*t with me. Lunch? So sabay na kayo ng secretary mo naglulunch ngayon?!”

“My secretary is just my secretary. Nothing more. W-wait? Lunch? Si Tasha palang naman ang nakasabay ko maglunch. Kahit tanungin mo pa siya.”

“Tasha? Bakit kayo nagsasabay ni Tasha?”

“Siya yung photographer para sa isang ad. Sa tapat lang ng building yung shoot nila and she goes to my office to have lunch. Yun ba ang rason kung bakit ka nagkakaganito? At bakit mo alam?”

U-oh. Sasabihin ko ba sa kanya na pumunta ako ng office niya para dalhan siya ng lunch.

“D-dumaan lang ako sa office mo kasi… kasi magmamall kami ni Gio.”

“Tumingin ka sa akin Mika.”

Hinawakan niya ako sa balikat ko. Wala akong magawa kundi mapatingin sa kanya.

“Nakikita mo ba ang mukhang to Mika?” Tumango ako. “Hindi ba ikaw na ang nagsabi na sobrang kapal naman ng mukha ko kung mambababae ako?”

Totoo, sinabi ko talaga yun. Nung mga oras na galit na galit pa ako sa kanya.

“Mika…”

Hinawakan niya na ang kamay ko.

Oh my god… anong ginagawa niya?

Nakaluhod na siya sa harapan ko.

The wholesome kind of luhod in case you got any other ideas.

“Mika, I want to be with you forever. Ikaw lang ang gusto kong makasama. Will you please give me a chance?”

Yumuko ako at niyakap siya.

“You’re ugly and stupid.”

“Alam ko.”

Five days before Christmas… nalulungkot ako sa itsura ng bahay dahil wala man lang ni isang dekorasyon.

Next christmas na lang para kasama na namin si baby Gio magdedecorate kung sakali.

“Mika…” tawag sa akin ni Nikee.

“O?”

“Umm… anong plano mo for Christmas?”

“Ang naisip ko eh umuwi sana sa Laguna and celebrate with Dad.”

“Pwede bang sumama?”

“Sure.”

Okay na kami since yesterday. Magkatabi nga kaming natulog kagabi. Oo, isa lang ang kama namin pero syempre malaki yun. Talagang nilalayuan ko siya dun dati.

Ang Pinakapoging Lalake sa Balat ng LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon