Tatayo na sana ako para lumabas at puntahan si Brix para mapagsabihan ko ng mga rants ko, pero nag-reply si kuya.

Umupo ako nang maayos. Medyo excited akong mabasa ang text dahil nakasisuguro akong malalaman ko kung nasaan si Jazz. Pupuntahan ko siya para kausapin.

From: Kuya Kier

Jazz is not home. Nagpaalam siya sa amin kagabi na aalis siya para makapag-ready raw sa board exam ninyo.

Gumuho iyong kaunting excitement pati ang ngiti kong napakaliit. Kailangan ba talaga niyang umalis? Wala na talagang pag-asang ibalik ang dati naming pagkakaibigan. Kahit iyon lang sana ang mangyari, pero parang malabo.

To: Kuya Kier

Puwede ko bang malaman kung saan siya lumipat, kuya?

Umaasa akong sasabihin ni Kuya Kier. Ipinagsalikop ko ang palad, humihiling na pagbigyan ako. Akala ko ay tatagal ulit ng minuto, ngunit may reply siya agad.

From: Kuya Kier

I apologize for that, Drishtelle. Ibinilin niya sa aming huwag sabihin sa 'yo.

To: Kuya Kier

Thank you, kuya.

Inihagis ko ang phone ko sa kama pagkatapos kong makapag-reply. Nakikipagtaguan sa akin si Jazz. Bakit ba ayaw niyang ipaalam sa akin? Wala akong kaide-ideya kung bakit kinailangan pa niyang lumayo.

Tumigil ako sa ginagawa kong pagpapatunog sa dila ko at tumayo. Muli kong hinawakan ang phone sabay pindot sa phone number ni Genesis sa aking contact list.

Idinikit ko ang phone sa aking tainga habang pinakikinggan ang pag-ring. Umupo ako sa kama.

"Anong kailangan mo, girl?"

Napasinghap ako nang bahagya sa mataray niyang bungad. Pinakiramdam ko sandali ang mood niya bago ko nilakasan ang loob na magtanong. "Alam mo ba kung nasaan si Jazz?"

"Ano ang gagawin mo kapag sinabi ko sa 'yo?"

"I want to apologize to him," sagot ko.

Stress na stress siyang bumuntonghininga. Pakiramdam ko, nakapamaywang siya habang nakataas ang kilay niya. "Kahit alam ko kung nasaan siya ngayon, hindi ko sasabihin sa 'yo, girl."

Sumimangot ako. "Genesis, sige na. Puwede ko bang malaman kung nasaan siya ngayon?" pagmamakaawa ko sa pagitan ng aking pagpadyak.

"Girl, tigilan mo na siya. Let him happy and forget his feelings for you. Broken na nga si Jazzy, mas lalo mo pa siyang sasaktan."

"Galit ka ba sa akin?" tanong ko.

Alam ko namang hindi niya sasabihin sa akin pero iyong tono ng boses niya ay parang may kinikimkim na galit.

Tumawa siya. "Gusto mo magalit ako sa 'yo, girl?" pilosopo niyang tanong, tunog mataray. "Hindi ako basta-basta nagagalit, girl at alam mo iyan. Madali lang akong manggigil."

Bigla kong naalala ang panggigigil niya sa akin dahil ayaw kong gawin ang gusto niya. Para niya akong kakainin ng buhay sa talim ng kaniyang pagtingin.

"I'm sorry. . ." mahina kong sambit saka ako napalabi. Malakas ang kutob kong nanggigigil siya sa akin at gusto niya akong sunugin nang buhay dito dahil sa ginawa ko.

Ilang beses niya akong pinagsabihan na kapag ayaw kong masaktan si Jazz, huwag kong subukan. Sana nakinig na lang ako kay Genesis. Sana hindi na lang umamin si Jazz sa akin. Sana hinayaan niya lang ako maging single habang hinihintay si Chrysler na bumalik. Sana. . . sana walang nasaktan. Dapat pala pinag-isipan ko nang mabuti ang pagpayag na maging boyfriend. Nagsisisi ako sa ginawa ko. Hindi ko gusto ko mga naging resulta ng mga ginawa ko-ng mga desisyon ko. Gusto kong suntukin ang sarili ko sa mga oras na ito.

Today is the DayWhere stories live. Discover now