Hummer

27 3 0
                                    

*Hummer*

"Ma'am?,naniniwala po ba kayo kay Hummer?..."
"Ma'am bakit niyo po siya ni remove?..."
"Kanina pa ako naiinis...ang hirap na ngang mag turo sa online class tapos kung ano-ano pang unimportant things ang isinisingit..."
Naiinis na sabi ko.
"Huwag po kayong ganyan,ma'am...importante po yung tinatanong niya..."
"Well kung gaano man yan ka importante,wala na akong pake doon...i chat niyo siya na bumalik na dito sa klase natin..."
"Hindi na po siya babalik ma'am..."
"Anong ibig mong sabihin?..."
"Malamang sa malamang patay na po siya at dahil po yun sa inyo..."
"Ano?!..."
Tinignan ko yung ibang studyante ko,halatang natatakot na sila.
"Ang dali lang naman sagutin yung tanong niya pero hindi niyo man lang sinagot!..."
Sigaw niya at agad na nag leave.
"Ano bang nangyayari?!..."
"P-patay na rin siya ma'am..."
Naiiyak na sabi ng isa kong studyante.
"Ano?!...ano bang nangyayari dito?..."
"Isa pong urban legend si Hummer,ma'am...at ang lahat ng nakarinig o nakabasa ng pangalan niya ay kailangang magsabi ng 'naniniwala ka ba kay Hummer?...' at ang lahat ng nakarinig ng tanong na yun ay dapat mag tanong din o kaya sumagot ng Oo o Hindi,kasi kung hindi mamatay ang lahat ng taong nakarinig nun...kaya,ma'am?,naniniwala ba kayo kay Hummer?..."
Dahil sa narinig kong explanation ng isa kong studyante ay agad akong natawa.
"At naniwala naman ka-"
Natigilan ako ng makita kong sumabog ang tenga nung nag explain sa akin.
Dahil sa nangyari nagsigawan na yung mga iba ko pang studyante.
Isa isa silang nag sabi ng 'naniniwala ka ba kay Hummer' ng paulit-ulit.
Wala akong ginawa kundi tumunganga lang,hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko.
Isa isa silang natigilan,pero sabay-sabay ang pagsabog ng tenga nilang lahat.
Hindi pa rin ako makapaniwala.
Kayo ba na mga nagbabasa?.
Naniniwala ba kayo kay Hummer?.

~PogingElyen

KILABOT~ horror story [Compilation's]Where stories live. Discover now