Babala sa Panaginip

59 6 0
                                    


Sabi ni mama, wag na daw pag-usapan ulit.
Pero merong kakaiba sa pamilya namin.
May mga nararamdaman kami at kinakagat namin ang dila namin para hindi kami pag-isipan na baliw ng ibang tao.
Lasinggero at mapanakit ang stepfather ko.
Sya yung tipo ng lakaki na nanakit ng babae kahit pa kamag-anak nya ito...
Hinila nya ako sa buhok nung Christmass Eve. Dahil lang sa mali ang naibigay kong beer sakanya.

Sabi nung Therapist ko.
Dahil sa mga pananakit na natatamo ko sa stepfather ko...
Nagkaroon ako ng Thermal Alarm sa utak.
Mayron din akong Insomnia.
At kagaya ng iba pang may insomnia nakakaranas ako ng mga bangungot.
Nagsusuffer ako sa isang Sleep Paralysis.

Meron akong dalawang panaginip na tandang tanda ko pa.
Yung isa noong bata pa ako at yung isa naman ay bago lang.

Noong bata pa ako, noong kasama pa namin ang stepfather ko sa iisang bahay.
Lagi akong nangangarap na makulong sya sa bilangguan.
Meron akong panaginip na nakakulong daw ako sa isang Dollhouse.
At kapag namatay ang lahat ng ilaw ay mabubuhay ang mga manika sa loob ng Dollhouse.
Hindi ko sila makita.
Pero naririnig ko sila at nararamdaman.
Pag tumatagal yung bangungot ko.
Tumatagal din yung mga nakikita ko sa panaginip ko.
Lagi ko na yung napapanaginipan.

Ang huling bangungot na naranasan ko ay noong 15 yrs. Old ako.
Natapos ang panaginip. At nakita ko na ito ng kumpleto.
Kinuha ako ng mga manika at nagbukas na ang mga ilaw.
Pero nakikita kong hindi nila ako sinasaktan...
Hindi na...
Naalala ko pa nun.
Nagising ako ng umiiyak at yumakap sa ate ko.
Sinabi ko sakanya na "matatapos na lahat ng paghihirap natin"

Nung gabing yun binato ako ng stepfather ko sa ulo ng Kalan puno ng maanghang na Taco.
Hindi daw kasi sapat ang anghang.
Nagalit ang mama ko kaya pinalayas ang stepfather ko sa bahay.
At hindi na namin sya nakita pang muli.
Natapos na rin yung panaginip ko tungkol sa mga manika.

Meron pa akong isang panaginip na nakapagtaas ng balahibo ko sa takot.
At nagligtas saakin para mamatay noong araw na yun.

Nag download ako ng Tinder sa Cellphone ko.
Meron akong naka date na lalaki don.
Matangkad, maitim at gwapong lalaki nung Birthday ko noong nakaraang taon.
Lumabas kami.
Uminom ng kaunti.
Alam kong hindi ako lasing nun kasi light beer lang ininom ko.
Naalala ko na nag-kiss kami nun sa may park bago pumunta sa hotel malapit sa bahay nya.
Naisip ko na bakit pa kami mag rerent ng hotel kung mayron naman syang bahay sa malapit.
Pero nalaman ko na mayron syang roomate or something.
Alam kong mayrong mali?
Parang may tinatago sya.
Alam kong nilalagay ko ang sarili ko sa kapahamakan.
Pero gwapo naman sya at nakakatawa kaya nakisakay na ako sa trip nya. (ang rupok mo mare)

Pagkatapos namin mag ***
Nakatulog ako.
Wala kasi akong tulog nung mga oras na yun.
Pero hindi sumagabal yung antok ko para magkaroon ako ng panaginip.
Siguro dahil sa insomnia ko o sa iba pang dahilan?

Natutulog ako ng biglang lumabas ang fav kong vocalist ng banda sa kwarto.
Meron silang concert sa susunod na araw...pupunta ako dun.
Hindi naman ako nagtaka kung bakit ko sya napanaginipan.
Pero nagulat ako ng tiningnan nya ako ng sobrang lungkot at sinabing.
"Papatayin ka nya...kaya hindi kita mababati ng Happy Bday...may cake kami dito...gising na...gising....bumangon ka na dyan!..."

Nagising ako at nakita kong wala sila sa kwarto.
Nilalamig ako at nanginginig dahil 3:00 palang ng umaga yon.
Mabilis akong nagbihis at umalis na sa may Hotel Room.
Alam kong babalik yung lalaki dahil iniwan nya yung mamahaling leather jacket nya sa may pinto ng Cr.
Sinabi nya kasi saakin nung gabing yun na paborito nya yung jacket na yun.

Pumunta ako sa may malapit na Convinience Store at naghintay.
Titingnan ko kung babalik sya...
At bumalik nga sya.
Meron syang dalang itim na bag.
Baka mga damit nya?
Hindi ko alam!
Pero sinasabi ng utak ko na wag ng lumapit doon. Naging tama ang hinala ko na may nilabas syang baril bago pumasok sa hotel.

Naghintay ako ng bus papuntang bahay namin.
Pag uwi.
Umupo ako sa upuan hanggang sa tumigil ang panginginig ng katawan ko.

Binlock ko sya sa Tinder.
At nireport sa mga pulis.
Hindi na rin ako gumamit pa ng Tinder.
Nahuli ang lalaki at napag alaman na madami na syang naging biktima na mga dalaga. Kagaya ng saakin ay niyaya nya rin ang nga ito na makipag meet-up at tsaka nya papatayin.
Sobra paring kilabot ang nararamdaman ko hanggang ngayon.
Iniisip ko palang kung ano sanang mangyayari ng gabi ding yun.
Salamat sa isang panaginip.

Syempre pumunta parin ako sa concert ng paborito kong banda.
Nung araw na din na yun.
Binati nya ako ng happy bday.
At binigyan nya ako ng slice ng cake.
Syempre nahiya ako.
Kaya hindi na ako sumagot...

THE END ^_^

~AngelREDwarrior

KILABOT~ horror story [Compilation's]Where stories live. Discover now