Ang aking Lola

87 8 0
                                    


Nasa loob kami ng kwarto ng kapatid kong kalaki ngayun.
Hinihintay naming makauwi sina mama at papa.
May pinuntahan kasi sila pero di nila sinabi kung saan.
"Kuya naiihi po ako..." sabi ng nakababata kong kapatid na si Jerome
"Sige...tara samahan na kita..."
Bata pa kasi ang kapatid ko kaya sinasamahan ko pa.
Pagkatapos nyang umihi ay sakto naman ang pagdating nila mama at papa.
Napansin ko na umiiyak sila mama at papa.
Nakaupo lang sila sa sofa.
Umupo rin ako.
"Kuya ako na po ang magsasara ng pintuan..."
Sabi ng kapatid ko.
"Hindi na...ako nalang!..."
Sabi ko naman.
"Kuya...isasara lang naman po eh...ako na po...please!..."
Hindi ko na sya matiis kaya.
"Sige na nga..."
Matapos kong sabihin yun ay umalis na sya.
Naunang nahimasmasan si papa kaya sya na muna ang kinausap ko.
"Pa' ano pong nangyari?..."
"Anak...patay na ang lola nyo..."
Nagulat ako sa sinabi ni papa.
May sakit kasi si lola...
Sya ang pinakamabait at pinakamamahal ko na lola.
Mag-isa nalang syang natira na lola ko dahil pumanaw na rin ang isa ko pang lola.
Kaya ganun na lamang ang lungkot ko ng malaman ang kanilang sinapit.
Maiiyak na sana ako pero natigilan ako at nagulat ng magsalita ang kapatid ko.
"Kuya!...andyan na po si lola!..."
Sigaw nya.
Natakot ako sa sinabi nya.

~Poging Elyen

KILABOT~ horror story [Compilation's]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon