Apartment

39 6 0
                                    


"Bang!" Noong una'y akala ko nagpapaputok ang kasama ko sa apartment kahit hindi pa new year.

Ang pangalawang BANG ay parehas sa nauna. Pero nang ang pangatlong putok ay napatayo ako at napapunta sa may pintuan ng balcony.

Pang apat, lima, anim ang sumunod na nagpatayo sa lahat ng balahibo ko sa katawan.
Palakas ng palakas ang mga putok at sa panghuling putok mayron akong narinig na sumigaw.

Nagtago ako sa may cabinet, mabilis ang tibok ng puso, magkahawak ang dalawang kamay nagdadasal na sana mawala na sya.

Narinig ko ang pag-click ng pintuan kasunod ang mga yapak nya.
Bumilis ang aking paghinga.

Sumilip ako sa butas ng cabinet.
Nakita ko ang di kilalang tao na nakasuot ng pantalon at white t-shirt na merong bahid ng dugo.
Kitang kita ko rin ang Pistol/baril sa kabilang kamay nya.

Inipit ko ang sarili ko sa pader ng cabinet at humihiling na sana nasa kakahuyan na lang ako.
Naghanap sya sa ilalim ng kama, sa ilalim ng lamesa at papalapit sa cabinet na tinataguan ko.

Ang kamatayan ay parating na.
Alam ko yun gaya ng pagkaalam ko sa pangalan ko.
At sa mga panahon na yun wala akong ibang hiniling kundi ang maligtas.

Hinawakan nya ang dalawang hawakan ng cabinet.
Unti unti nya itong binukasan.
Nagkatitigan kaming dalawa.

Hindi ako makagalaw sa takot.
Gusto kong sumigaw pero ang lumalabas lang na salita sa bibig ko ay "Wag! Wag, wag..."

Itinapat nya ang malamig na metal sa gitna ng ulo ko.

Naiyak ako kasabay ng mga luha ko ang pagsalubong ng aking mga ngipin.

Ikinasa nya ang baril.

Tsaka nya ito ipinutok sa ulo ko.

Nakaramdam ako ng dugo...
Doon na ang katapusan ko.

~AngelREDwarrior

Yung picture po sa taas doon po yung cabinet na pinangyarihan ng krimen...

KILABOT~ horror story [Compilation's]Where stories live. Discover now