Babae Sa Cr

32 7 0
                                    


Ito po ay Totoong nangyari saakin sa may school namin...

Hi...gusto ko lang po i-share ang aking karanasan sa akin skwelahan.

Grade 7 ako nun.
Mayron akong Best Friend ang pangalan nya Beverly.
Mahilig kaming maglibot libot kapag vacant time namin.
Tas One time.
Napadaan kami sa may lumang Cr.
Bandang Bukid na yung Cr na yun.
Agriculture kasi eh.
May mga pananim.
Tas nasa gitna yung Cr.
So ayun na nga.
Syempre maraming kwento kwento doon.
Kasi nga luma na.
Bale ang itsura ng Cr:

Dalawa lang yun.
Pam-babae tas panlalaki.
Pang-isahan lang ang pwedeng mag banyo.
Ang naghaharang lang sa dalawa ay isang malaking pader.
Kulay green din yung pinto.
Tapos watak watak na.
Yung sa pambabae sira na yung doorknob.
May butas kaya kita mo yung loob ng Cr kapag lumapit ka.
So may pagka abnormal nga kami kaya nagtakutan kaming dalawa.
"Halah! Beh diba may multo daw doon sa Cr na yun!"
Turo turo ko pa yung pintuan ng cr.
Bigla nalang nyang binaba yung daliri ko...
"BEH! Bawal magturo! Baka multuhin tayo!! Kagatin mo yang daliri mo DALII!!"
Parang sirang sabi nya.
Eh hindi naman ako naniniwala sa mga ganun.
"Tss parang sira to! Kala mo naman totoo eh...puntahan ko pa yan eh! Halika samahan mo ako..."
Sabay hila sa kanya papunta sa may cr.
Duwag kasi siya kaya Trip ko syang takutin.
Malapit na kami ng bigla nyang tinanggal ang pagkakahawak ko sakanya.
"Wag na! Ikaw nalang! Dito nalang ako!" Sabi nya.
"Ang Duwag nito!" Pang aasar ko.
"Ako na nga lang mag-isa!!" Dugtong ko pa.

Hindi naman sya umangal kaya pumunta na ako mag isa ko.
Nasa harap na ako ng pinto ng pambabae.
Nakita kong parang may buhok na nakasabit sa butas nang pinto.
Sa sobrang kakulitan ko kinuha ko yun.
Hinila ko yung buhok pero hindi ko mahila hila.
Akala ko sumabit lang kung saan.
Makapal kasi yung buhok.
Kaya sinilip ko yung butas.
Naamoy ko pa nga yung buhok.
Ang baho at ang lansa lansa ng amoy.
Kaya napabitaw ako sa Buhok kasi kadiri nga.
Pinilit ko nalang na wag huminga.
Pag silip ko sa butas.
Nakita ko ang mas maraming buhok.
Tas nung tingnan ko pababa.
Nakita ko yung babae.
Ewan ko kung imahinasyon ko lang.
Pero batang babae talaga kasing age namin...
Napasigaw tuloy ako.
Agad namang lumapit si beverly saakin.
"Hoyy beh anong nangyari sayo?!" Takang tanong nya sakin.
Tinuro ko lang yung butas.
"Hm" nguso ko
"Hah?"
"Mm" nguso ko ulit.
Mukhang na gets nya naman kaya sumilip sya sa butas.
"Pweh ang baho naman" rinig kong sabi nya.
"Bakit ano bang meron dito? Eh puro basura lang naman eh..."
Nagtaka naman ako.
"Wala kang nakikita dyan? Yung ano...ano batang babae?..."
Nanlaki naman ang mga mata nya.
"Wehh?...tinatakot mo lang ako eh. Alam mo kasi na matatakutin ako!"
Dahil sa ayaw nyang maniwala.
Pinabayaan ko nalang.
"Haysst bahala na nga!...halika na baka late na tau sa Tve!" Sabi ko nalang.
Pilit kong isiniksik sa utak ko na imahinasyon ko lang lahat.
Na wala akong nakita...

Pero hanggang ngayun tanda ko pa ang itsura nung batang babae.

~AngelREDwarrior





KILABOT~ horror story [Compilation's]Where stories live. Discover now