*HILING*

16 3 0
                                    

made by: poging elyen

*Hiling*
"Pretty boy!..."
Tawag sa akin ng mga barkada ko.
"Ang daming love letters ah!..." - Greg
"Mukhang mapapasabak ka sa labanan mamaya ah hahaha..." - Mike
"Look..." - Luke
May kinuhang isang napakalaking card si Luke.
Binuksan niya yun at agad na itinapon.
"Ano yun?..."
Curious na tanong naming mga hindi nakakita.
"Putek!...pati yata patay na in love na sa'yo..."
Nandidiri niyang sabi.
Pinuntahan ko yung letter at dinampot.
Binuksan ko yun.
Tumaas yung balahibo ko sa nakita ko agad ko rin yung tinapon.
"W-wag niyo ng tignan..."
Nauutal kong sabi sa iba pa naming barkada.
Isang babaeng ngiti niya ay hanggang tenga,literal na hanggang tenga.
Mata niya ay pitch black ang kulay,para ngang wala siyang mata eh.
Wala siyang kilay at buhok.
Nasabi ko lang naman na babae siya dahil si d**e niyang nakalabas.
Nakakadiri kasi nakatabas yung kaliwa niyang d**e wala ring balat at kitang kita na yung puso niya.
Ang payat niya rin,kitang kita na yung mga buto niya.
At may nakasulat pa na 'Till death do us part' gamit ang nakakadiring pirapiraso ng balat.
Agad naming sinunog yung letter na yun.
...
Lumipas ang ilang araw nilayuan ako nila Mike.
Hanggang si Luke na lang ang natira.
...
"Bro...kilala mo pa ba si Jade? Yung ex mo?..." - Luke
"Bakit siya?..."
Tanong ko.
"Natagpuan siyang patay..."
Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya.
"A-ano?..."
"Hindi lang yan...ang nakakatakot pa ay...kung paano yung kalagayan nung babae sa creepy letter na natanggap mo nung nakaraan...ganon na ganon din yung nangyari kay Jade..."
Nangilabot ako sa sinabi niya.
"Ang mas nakakatakot pa ay naka carved yung pangalan mo doon sa kamay ni Jade..."
Lalo akong kinilabutan sa huli niyang sinabi.
...
Natapos yung klase namin pero yung kilabot na nararamdaman ko hindi pa rin matapos-tapos.
"Bro,samahan na kita papauwi..."
Pumayag ako sa sinabi niya.
Nag uusap kami habang naglalakad.
"Hahaha...oo nga eh...pati nga yung kapatid ko na in love sa'yo eh..."
"Oo nga...."
Sabi ko na may mapait na ngiti.
"Lagi niyang sinasabi sa akin na gusto ka niya...sinasabi ko sa kaniya na hindi mo siya magugustuhan kasi sobrang payat niya hahaha..." - Luke
"Hindi ko nga makalimutan yung araw na namatay siya eh..."
Dugtong niya.
Tumigil ako sa paglakad.
Tumigil din siya.
Ahead siya sa akin ng limang hakbang.
"Yung huli niyang sabi sa akin 'kuya...gustong-gusto ko po siya...paghiwalayin man kami ng kamatayan...' habang suot ang ngiti niya na hanggang tenga hahaha..."
Ramdam ko yung pait sa tawa niya.
"Alam mo ba na 1st anniversary ng kamatayan niya ngayon?..."
Tanong niya sa akin.
Humarap siya sa akin na may ngiting abot hanggang tenga.
Literal na abot tenga.
Nagsimula na akong umatras.
"B-bro..."
Nanginginig kong sabi.
"Alam mo yung huli niyang hiling?..."
Umatras pa ulit ako ng hindi inaalis ang paningin ko sa kaniya.
"Ay yung..."
Nagulat ako sa bilis niyang makapunta sa harapan ko.
"Patayin ka..."


~PogingElyen

KILABOT~ horror story [Compilation's]Where stories live. Discover now