Amoy?

39 7 0
                                    


Nagsimula ang lahat noong 9 yrs. Old ako. Nakaupo ako sa Living Room kasama ko yung kapatid kong lalaki.
Ang pangalan nya ay Lucas.
Naalala ko nung araw na yun ay ang araw ng "Pag-lalaro".
Yung tipong uupo ka sa may carpet at maglalaro ka ng mga board games.
Sabi sa pag-asa na ang araw na yun ay makulimlim.
Hindi masyadong maiinit at hindi masyadong malamig.
Kung saan dahil bata pa ako gusto kong lumabas at maglaro na lang sa putikan.

Pero umulan nung araw na yun kaya naglaro kami ni Lucas ng Monopoly.
Natapat sa Park Avenue si Lucas sa pangalawang pagkakataon.
Nanggagalaiti ang mga kamay nyang kumuha ng Play Money saakin.
Dahil nanalo ulit sya.
Doon ako may naamoy.

"Yuckk! Kadiri Lucas!...wag kang umutot!..."
Sigaw ko ng nandidiri habang sinusuntok sya sa braso.
"Ow! Ano ba! Hindi ako umutot!"
Sigaw nya habang hinihimas ang braso nyang sinuntok ko.
"Tsk..." nangulirap ako. "Yan mismo ang sinasabi ng mga umuutot!"
"Hindi nga ako eh!"
Sigaw nya na nagsimulang manginig ang kanyang mga labi.
"Lucas wag kang sumigaw dyan! At ikaw naman Carol tigilan mo yung kapatid mo!"
Sabi ni mama galing sa office nya.

Busy si mama nung mga panahon na yun. Hindi sya magkaron ng mga day off. Pero swerte parin si mama dahil nakakapagpahinga sya sa araw ng Sabado at Linggo.

"Whatever!..." tinatapat ko sa tenga nya yung bunganga ko atsaka bumulong. "Alam ko namang ikaw yun!..."

Hindi na sya sumagot pa.
Ginulo nya yung nilalaro namin sa sahig. "Ayaw ko na ngang makipaglaro!..."

Sigaw nya. Pumunta sya sa may sulok at dun nalang naglaro mag-isa ng nga binili sakanya ni papa na Action Figures.

Mabilisan naman kaming nagkabating dalawa. Nang dumaan ang mga araw.
Mayron akong napansin.
Naamoy ko ito kahit malayo si Lucas sakin. Pero mas malakas kapag magkalapit naman kami.

Dumating sa punto na naisip kong hindi lang iisang amoy ito.
Kundi dalawa.
Ang unang amoy ay yung nakapaligid sa bahay namin.
Yun yung unang amoy na akala ko ay utot?
Minsan pa nga naiimagine ko na may green na usok kasabay ng mabahong amoy.

Yung pangalawang amoy naman ay yung nakapaligid kay Lucas.
Mas malala sa nauna.
Amoy patay na daga?
Bulok na basura...
At yung tipong parang nasa pinaka ilalim ng lupa...
Yung maraming lumot at bangkay...

Natatakot ako syempre...pero di ko alam ang gagawin ko o sasabihin ko.

Nagtratrabaho ang Papa ko sa isang Physichiatric Hospital.
Kapag wala si mama sa bahay.
Nagkwekwento si Papa tungkol sa mga nararanasan nya sa Hospital.
Mga nakakatot na naririnig o nararanasan ni papa doon.
Sinabi namin ng kapatid ko na gusto naming marinig yun.
Nangako naman kami na hindi kami matatakot matulog sa gabi.
Kapag sarado na ang kwarto namin.
Share kasi kami ng kwarto ng kapatid ko pero magkahiwalay ang kama.
Minsan kapag nagkakaroon ng mga masasamang panaginip si Lucas lumilipat sya sa kama ko.

Nung dumating sa buhay ko yung amoy. Naimagine ko na kapag sinabi ko kahit kanino yung amoy. Mapupunta ako sa hospital kasama ng mga baliw sa pinagtratrabahuhan ni papa.

Nakikitulog pa rin naman si Lucas sa kama ko. Yung maliliit at matatabang daliri nya ay nakahawak sa kamay ko.
Sinubukan kong wag huminga habang nagdadasal ma sana mawala na yung amoy.

At nangyari na nga ang di ko inaasahang mangyayari...

Araw ng sabado at umuulan nanaman ng malakas ngayung buwan ng April.
Nasa bahay si mama nagtratrabaho sa computer nya ng ipapasa nya na Manuscript.

Gusto ni Lucas na maglaro sa labas kasama ang mga kapitbahay naming mga bata. Ang hilig kasi ng mga bata doon na laruin tuwing umuulan ay mag bike ng sobrang bilis haggat makakaya nila.

KILABOT~ horror story [Compilation's]Onde histórias criam vida. Descubra agora