Pinto

44 5 0
                                    

Ito ay kwento ni mama saamin.
Sobrang creepy!

Kwinento samin to ni mama gusto ko lang i-share para naman may pagka abalahan ako. Sabi ni mama nagising daw sya ng may kumalaluskos sa pintuan ng kwarto nila.
May dalawang kwarto sa bahay namin magkatabi lang yun. Ang kwarto namin na magkapatid at kwarto nila mama ang sunod. Dumilat si mama para tingnan kung sino yung kumakaluskos. Pagdilat nya tiningnan nya yung pintuan. May nakita syang matandang babae na mahaba ang ilong, buhaghag ang buhok at parang sira ulong nakatingin kay mama. Natakot si mama kaya nagtalukbong sya ng kumot. Ilang oras lang ang nakakalipas ng maramdaman ni mama na may humihila ng kumot nya. Bigla daw natanggal ang kumot kaya gusto nyang bawiin ito. Tapos pagdilat nya nagulat sya sa nakita. Sobrang lapit sa mukha nya ang mukha ng matandang babae. Titig na titig daw sya dito. Nang bigla daw gumising si papa at nakita si mama na dilat na dilat nakatingin sa ceiling kaya natakot si papa. Pilit nyang pinapabalik sa wisyo si mama dahil parang walang nararamdaman si mama. Nang makabalik si mama sa sarili nakita nya si papa na pilit syang ginigising! Kaya agad nyang kwinento kay papa ang lahat ng nakita nya at naramdaman na nakakakilabot.
Nung gabing yun di nakatulog si mama dahil sa takot. Si papa naman binigyan ng malamig na tubig si mama para mahimasmasan...

Kaya takot akong sumilip sa PINTO...

~AngelREDwarrior

KILABOT~ horror story [Compilation's]Where stories live. Discover now