“Bakit naka-borles ka ngayon?” Tanong sa kanya ni Lockett habang ngumunguya ito.

“Para namang ngayon mo lang ako nakitang nakahubad.”

“Hindi nga, pero iba ang aura mo ngayon e.” Pinaglandas nito ang daliri sa basa pa niyang dibdib habang parang nang-aakit na nakatingin sa mga mata niya. “Yung aura na nang-aakit at parang bumubulong sa tainga mo para rape-in ka.” Hinalikan nito ang tungki ng ilong niya. “Gusto mo bang rape-in kita, lover ko?”

“’Di’ba ka ri-rape mo lang sa’kin kanina?” Nakangiting paalala niya sa ginawa nito ng magising siya.

“Tsk! Hindi naman ‘yon rape e.” Sumimangot ito na parang bata. “Gusto ko lang sipsipin ang lakas mo.”

Malakas siyang tumawa sa sinabi niya. “Sipsipin ang lakas ko? Lover, saan mo ba nalaman ang mga salitang iyan?”

She shrugged. “Nabasa ko, paki mo naman.” Tinaasan siya nito ng kilay pagkatapos ay ngumiti na naman. “Lover?” May paglalambing sa boses nito.

“Hmm?”

“Pangkuin mo ako tapos i-ikot mo ako sa buong unit mo.”

Napangiti siya sa paglalambing nito. Nitong mga nakaraang buwan, palagi itong may mood swing, siguro dahil iyon sa pagbubuntis.

Napakahirap pakibagayan nito kapag tinutupak. Minsan ginising siya nito ng hating gabi para magpabili ng Milk Tea. Saan siya makakahanap ng milk tea sa ‘dis oras ng gabi? Pero kahit napaka-imposible, sinuyod niya ang buong manila para makahanap at nakahanap nga siya, nang makauwi naman siya, mahimbing na itong natutulog at naghihilik pa.

Nakakainis, pero para sa babaeng pinakamamahal, kakayanin niya.

Pinangko niya si Lockett at ginawa ang request nito, iyon ay ang magpalibit-libot sa unit niya. Kahit naramdaman niyang nalaglag sa sahig ang nakatapi sa kaniyang tuwalya, hindi siya tumigil.

“Creed?”

“Hmm?”

“Kailan ang kasal natin?”

“December 25. Hindi ba iyon ang napili mong date para sa kasal natin?”

She smiled when she remembered at that it was her choice of date. “Oo nga pala. Gusto ko, kasabay ng pagkabuhay ni papa Jesus ang kasal natin, para cool.”

He chuckled. “Yeah, cool nga. Pero nahirapan tayo ng pari ng magkakasal.”

Nagkibit-balikat ito. “Ang importante nakahanap na tayo at sigurado ng may magkakasal sa’tin. Baka kasi magpakamatay ka nalang bigla kapag hindi tayo ikinasal sa petsang iyon.”

Natawa siya, alam niyang binibiro lang siya nito. “Bakit naman ako magpapakamatay?”

“Kasi patay na patay ka sa’kin.”

He rolled his eyes at her and then laughed. “Oo na. Patay na patay na. Anyway, dalawang buwan nalang pala ikakasal na tayo. Mga six months pregnant ka na sa kasal na’tin. Butiti ka na.” Biro niya.

Sinuntok siya nito sa dibdib. “Gago. Kahit butiti na ako, kayang-kaya ko parin namang paligayahin ka.”

He chuckled. “I know. Ngiti mo palang, mapapaligaya mo na ako. Ano pa kaya kung maghubad ka na, baka lampas langit na ang ligaya na nararamdaman ko.”

“Baliw.”

Malapit na sila sa kuwarto ng magsalitang muli si Lockett.

“Creed, hindi ba, mabubuhay naman ako?”

Tumango siya. “Oo naman. Aanakan pa nga kita ng isang dosena e. Kaya humanda ka.”

She laughed. “Isang dosena? Kaya mo kaya?” She teased him.

“Oo naman. Kaya ko ‘yon.” May pagmamalaki ang boses niya.

Tinawanan lang siya nito kapagkuwan ay sumeryuso ang mukha nito. “Kidding aside, Creed, gusto kong mabuhay para makasama ka at ang magiging anak natin. Gustong-gusto ko. Pero nararamdaman ko na nanghihina na ako. Malapit na akong maging pabigat sa’yo. Pakiramdam ko, hindi ako aabot sa Kasal natin.”

Tumigil siya sa paglalakad at tumingin kay Lockett. “Huwag mong isipin ‘yon. Sa araw ng kasal natin, nakasuot ka ng wedding gown at naglalakad sa isle patungo sa altar kung saan ako naghihintay sa’yo, pagkatapos ay magiging isa tayong napakasayang pamilya.”

Lockett looked at him then gave him a small smile. “I wish for that to happen. Everything. I promise, lalaban ako para sa araw ng kasal natin, maganda ako at masaya tayo.”

He nodded earnestly. “Oo, tapos napaka-guwapo ko.”

Mahina itong tumawa. “Ibaba mo na ako.” Utos nito na agad naman niyang sinunod.

Natigilan siya ng puno ng pagmamahal na hinaplos nito ang pisngi niya. “Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, at kahit anong mangyari, narito ka sa puso ko at walang ano o sino man ang makakatanggal sa’yo. Ganoon kita kamahal, Creed. Pakatandaan mo ‘yon.”

She smiled then she just dropped dead unto the floor. Hindi niya ito nasalo sa sobrang gulat.

“No…” Nilukob ng takot ang buong pagkatao niya ng makitang wala itong malay na nakahandusay sa sahig.

Parang nilipad niya ang pagitan ng kinatatayuan niya at ang kuwarto nila para mukha ng damit na isusuot pagkatapos ay binalika si Lockett at mabilis na pinangko niya itong muli para dalhin ang fiancé sa Hospital. Para siyang nakalutang sa hangin habang karga-karga ito. Wala siyang ibang maisip kundi ang huling sinabi nito.

No! hindi ‘yon pamamaalam! Naniniwala siyang magigising pa ito at sasabihin pa nitong mahal siya nito sa personal.

Nang makarating siya sa Hospital, he felt so numb. Wala siyang maramdaman habang nakatingin sa mga Doctor at Nurses na abala sa pag-aasikaso sa Fiancé niya.

Napakagat labi siya at tumingala para manalangin. God, please, nagmamakaawa ako, huwag ngayon. Ikakasal pa kami. Manganganak pa siya. Magsasama pa kami. Please, parang awa mo. Huwag ngayon. Please, not now. Hindi ko pa kaya. God, please, nagmamakaawa ako. Huwag mo siyang kukunin sa’kin. Please?

A lone tear escape his eyes the same time the Doctor asked for oxygen.

Hindi makahinga ang babaeng mahal niya at wala siyang magawa. If only I could give you my breath, I would in a heartbeat. But I know that I cannot, ang magagawa ko lang ay magdasal na sana makasama pa kita sa mahabang panahon.

“Please, Lockett, stay alive.”

a/n: Sorry :(

Creed's Lover (COMPLETED) - PUBLISHED under Precious Pages: LIB BAREWhere stories live. Discover now