CHAPTER 31

530K 12K 510
                                    

CHAPTER 31

PARANG pinipilipit sa sakit ang puso ni Creed habang nakatingin kay Lockett na nakahiga sa Hospital's bed at walang malay. Nasa loob sila ng ICU dahil malubha na raw ang kalagayan ni Lockett.

Napatingin siya sa pintuan ng bumukas iyon. Pumasok mula roon ang Doctor ni Lockett na si Dra. Caballer.

"Doctor," Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa gilid ng Hospital bed. "Upo ho kayo." Aniya na iminuwestra ang kamay sa sofa na naroon sa silid.

The Doctor smiled. "No thanks." Lumapit ito kay Lockett at ini-inspeksiyon ang mga tubo na nakakabit sa katawan nito, kapagkuwan ay tumingin ito sa kanya. "Mr. Santillana, medyo malubha na ang kalagayan pasyente mo. Kailangan mo ng magdesisyon. Ang dahilan kung bakit palubha ng palubha ang kalagayan niya ay dahil hindi na niya ininom ang gamot niya. Understandable naman iyon dahil buntis siya at baka maapektuhan ang bata. Kaya naman, kailangan mong mamili kung sino ang ililigtas natin."

Huminga siya ng malalim, naninikip ang dibdib niya. "Ayokong mamili. Mahal ko ang Fiancé ko, at mahal ko rin ang anak ko. Hindi ko kayang mamili sa kanilang dalawa. Puwede bang mabuhay silang dalawa?"

Malungkot itong ngumiti sa kanya. "Pasensiya na, Mr. Santillana, pero kailangan mong mamili e. Ang kasintahan mo o ang anak niyo?"

Sinalubong niya ng matapang na titig ang mga mata nito. "I choose both."

She sighed. "Sorry, Mr. Santillana. Maybe we should wait for Ms. Mendoza to wake up before we decide anything. At pansamantala munang mananatili sa ICU si Ms. Mendoza for observation."

Tumango siya. "Okay."

Pagkalabas ng Doctor, humarap siya kay Lockett na nakapikit pa rin ang mga mata. He sighed then sat on the space beside Lockett's.

Hinaplos niya ang pisngi nito. "Hold on tight, Lover. God won’t let you die, alam niyang mamatay ako kapag nangyari 'yon. Stay alive. Tinawagan ko na ang mga magulang mo at parating na rin sila. They were worried, so are my parents. Kaya gumising ka na, please?"

Sinagot ng panginoon ang kahilingan niya dahil pagkalipas ng ilang minuto, unti-unting nagmulat ang mga mata ito at tumingin sa kanya.

"Creed..." Nanginginig ang boses nito.

"Lover..." Mahigpit niya itong niyakap. "Huwag mo nang ulit gagawin sa'kin 'yon. Alam mo bang hindi ako makahinga sa sobrang sakit na nararamdaman ko habang nilalagyan ka nilang ng kung anong tubo sa katawan? Para akong mababaliw sa sobrang takot."

"S-Sorry." Anito sa mahinang boses. "H-Hindi ko na kaya, bumigay na ang katawan ko."

Bahagyan niyang pinakawalan ito para tumingin sa mukha nito. "Bakit hindi mo sa'kin sinabi na tumigil ka na sa pag-imom ng gamot?"

"Ayokong magalala ka e." Anito at ngumiti ng tipid. "Ayokong matakot ka na baka bigla nalang umatake ang sakit ko dahil hindi na ako umiinom ng gamot. Ayokong mag-alala ka. You've been through enough, ayoko nang dagdagan pa 'yon."

"I understand where you're coming from, pero dapat pinaalam mo sa'kin. Normal lang na mag-alala ako kasi mahal kita." Inilapat niya ang nuo sa nuo nito. "Dapat sinabi mo para alam ko ang gagawin ko. Takot na takot ako, Lover. Takot na takot ako na mawala ka sa'kin."

A tear rolled down on her cheek. "Sorry dahil hindi kita inisip. Sorry." Kahit nahihirapan, inilapat nito ang mga labi sa mga labi niya.

He instantly felt complete when her lips touched his.

"Thanks god you're alive."

She chuckled causing her to grimace in pain.

"Shhh..." Saway niya rito. "Don’t do anything that’ll cause you pain." Wika niya habang hinahaplos ang pisngi nito.

Creed's Lover (COMPLETED) - PUBLISHED under Precious Pages: LIB BARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon