CHAPTER 32
NANINIKIP ang dibdib na napatingin si Lockett sa kalendaryo na nasa bandang kanan ng silid. Her eyes focused on today's date.
Pinahid niya ang luha na namalisbis sa pisngi niya. Dalawang buwan na rin ang nakalipas mula ng ma-Hospital siya, hanggang ngayon, narito pa rin siya at hindi pinapayagang lumabas ng doctor. Dahil buntis siya, kailangang obserbahan ang kalagayan niya lalo na at wala siyang iniinom na gamot.
Her eyes snapped on the door when she heard it open, mula roon pumasok ang isang nurse at magilis na nginitian siya. Mga kilala na niya ang Nurse na bumibisita sa kanya.
"Good afternoon, Miss Lockett." Anito ng makalapit. "Merry Christmas po."
A sad smile appeared on her lips. "Merry Christmas din sa’yo, Maribeth."
Humiga siya sa kama at hinayaan itong i-check ang vital signs niya kung normal iyon o hindi. Palaging iyon ang routine niya every morning and evening kaya nasanay na siya.
"Miss Lockett, kung nalulungkot po kayo. Puwede naman kayong lumabas ng silid niyo." Suhestiyon ng Nurse. "Sasamahan ko po kayo."
Hinawakan niya ang tiyan na may kalakihan na. "Nah. I'm okay. Nanghihina ako e. Baka bigla nalang akong himatayin, maapektuhan ang baby ko."
The nurse smiled warmly at her. "Nakakatuwa po na may babaeg katulad niyo na gagawin ang lahat para sa anak nila. You'll risk everything, even your own life for your baby. Nakaka-inspire po kayo."
Puno ng pagmamahal na hinimas niya ang sinapupunan. "Gagawin ko ang lahat para sa anak ko. Siya nalang kasi ang magpapangiti sa mahal ko kapag nawala na ako."
"Huwag kayong magsalita ng ganyan miss Lockett." Saway nito sa kanya. "Mabubuhay po kayo. Marami po akong kilalang cancer survivor at saka ho hindi kayo pababayaan ng panginoon. God is good."
She smiled but it did not reach her eyes. "Yeah. God is good."
Matapos nitong i-check ang Vital signs niya, nagpaalam na ito sa kanya. Bibisita na naman ito mamayang hapon para i-check na naman ang vital signs niya. Wala siyang iniinom na gamot maliban sa mga food supplement para kahit papaano, may lakas siya laban sa sakit niya.
Minutes later, the door opened again. Mula roon, pumasok ang lalaking pinakamamahal niya.
"Merry Christmas, Lover." Malapad ang ngiti nito at hinalikan siya sa mga labi ng makalapit sa kanya. "How are you?"
She shrugged. "Still alive."
Nawala ang kislap sa mga mata ni Creed, but seconds later, his face lit up again. "That's good. Stay alive." He sat on the space beside her. "Kumusta ang baby natin?" Tanong nito sabay haplos sa tiyan niya.
"Okay lang si baby, okay lang din si mommy."
Hinalikan ni Creed ang tiyan niya. "Hold still, baby, malapit ka ng lumabas. Huwag mong pahirapan si Mommy ha? Be a good baby." Pagkausap nito sa baby sa tiyan niya.
That made her smile. "Yeah. Malapit na nga akong manganak. Tatlong buwan nalang ang bubunuin natin."
"Yeah. Malapit na,” The he looked at her. “And then you'll be okay."
She nodded. "Yeah. But I kinda feel sorry and sad right now."
"Bakit naman?"
Bago pa siya makasagot, nag-umpisa na siyang humikbi. "K-Kasi dahil sa akin at sa sakit ko, hindi natuloy ang kasal natin." Hinawakan niya ito sa kamay at hinalik-halikan ang likod ng palad nito. "I'm so sorry, Creed. Kasalanan ko 'to e. Ang hina ko kasi. Naiinis ako sa sarili ko dahil alam ko, kahit hindi mo sabihin, nasasaktan ka at ako na naman ang may kagagawan. Patawarin mo ako, Lover. Sorry. Please, huwag mo akong iwan."
BINABASA MO ANG
Creed's Lover (COMPLETED) - PUBLISHED under Precious Pages: LIB BARE
General FictionNOTE: SPG/R-R18 Dahil sa isang kasinungalingan, nagawang akitin ni Lockett si Creed Santillana, isang sikat na Phiotographer. At dahil din sa kasinungalingan iyon, naangkin siya ng binata. Akala ni Lockett ay walang halaga ang nangyari sa kanila ni...