CHAPTER 34

580K 13.9K 1.7K
                                    

A/N: Thankfully, hindi ni-restricted ni wattpad ang chapter 33. Talagang hindi ko maintindihan si Wattpad, kung kailan expected ko na private, hindi pala. Haha. Thanks :)

CHAPTER 34

DALAWANG buwan na sila sa Arizona at palala na ng palala ang kalagayan ni Lockett. They were expecting it. Wala kasi itong iniinom na gamot o kahit na ano para labanan ang Meningiomas sa utak nito.

The Doctor’s were afraid to give her any medicine, baka raw maka-apekto sa dinadala nitong bata sa sinapupunan. The Doctor’s were waiting for her to give birth before they do something. Creed can’t wait for that day. Hindi na niya kayang makita ang asawa niya na namimilipit sa sakit araw-araw.

As Lockett lay on the Hospital bed in the most renowned Cancer Hospital in Arizona, Creed was holding her hands and together they both pray to god. Routine na nila 'yon every morning na magdasal. Sa panginoon nalang sila kumakapit. Ibinibigay na nila sa kamay ng panginoon ang kalagayan ni Lockett.

Pinisil ni Creed ang kamay ng asawa. "How are you feeling?" Tanong niya ng makitang namumutla ito.

Lockett smiled weakly. "Ayos lang ako, Creed. Stop worrying so much."

"I can't." Mariin niyang ipinikit ang mga mata para hindi nito makita ang panunubig niyon. "Lover, hindi mo alam ang pakiramdam na makita kang nasasaktan. Parang ginugutay-gutay ang puso ko at mas doble pa sa sakit na nararamdaman mo kapag inaatake ka. And you know what's worse? Wala akong magawa kundi ang yakapin ka at magmakawa sa panginoon na tama na. If I could bear the pain for you, I would."

Puno ng pagmamahal na hinaplos ni Lockett ang pisngi niya. "Alam kong nasasaktan ka. At masakit din sa akin na makita kang nasasaktan ng dahil sa'kin. But you don’t have to worry too much, sabi ni Doctor Edzel kahit papaano, lumalaban pa naman ang katawan ko. At saka isang buwan nalang ang bubunuin natin, manganganak na ako."

Tumango-tango siya. "After you gave birth to our child, everything will be okay."

Lockett smiled. "Yes, everything will be ok—" Hindi nito natapos ang sasabihin, her face contorted in pain, kasabay niyon ang pagsapo nito sa ulo.

Sanay na siya sa ganitong tagpo pero.para parin siyang pinako sa kinauupuan ng makitang namimilipit sa sakit ang asawa niya.

When he was about to hugged her, itinulak siya nito palayo.

"No." Tears were streaming down her cheeks. "Go. Leave. I don’t want you to see me like this."

Umiling-iling siya, kahit anong pigil niya, may nakawala pa rin na isang butil ng luha sa mga mata niya. "No ... let me hold you, Lover. Let me—"

"No. Please! Go!" Nagmamakaawa ang boses nito na sumisigaw.

Kahit anong pagtutulak nito palayo sa kanya, hindi siya natinag. Niyakap niya ito ng buong higpit at hinalikan ang nuo nito.

Humagugol sa iyak si Lockett sa dibdib niya. Kitang-kita sa mukha nito kung gaano ito nasasaktan, kung gaano nito kagusto na lumayo siya para hindi nito makita ang kalagayan nito.

"Ahhhhhhhhhh!" Sigaw nito habang malakas na sinasabunutan ang sariling buhok.

She was crying in so much pain. She was writhing in too much pain and she was begging for it to stop and he can’t do anything to stop the pain. Wala siyang magawa!

Fuck!

Nang makita niyang naiipit ang tiyan nito sa sobrang pamimilipit sa sakit, pinindot niya ang emergency button na nasa uluhan nito pagkatapos ay hinawakan niya ang dalawa nitong paa para hindi maipit ang tiyan nito. She would be devastated if something happened to their baby.

Creed's Lover (COMPLETED) - PUBLISHED under Precious Pages: LIB BARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon