CHAPTER 27
CREED just stared at Lockett; a sheer of disbelief is shown on his face. Hindi siya makapaniwala na narinig niya ang mga salitang iyon mula sa bibig ng dalaga. He was hoping for it, but he's not expecting it to happen today!
"Paki-ulit ng sinabi mo." He said, his voice still sounds stunned. "Ulitin mo, please."
Lockett smiled at him, her eyes were twinkling in happiness. "I'm falling for you, Creed. I'm falling for you fast and hard. And I hope that you’ll be there to catch me when I fall."
Ang gulat sa mukha niya at unti-unting napalitan ng ngiti sa mga labi. "I'll always be here to catch you. I'm not going anywhere."
"I know and that makes me fall harder for you." Tumayo ang dalaga at lumapit sa kanya, pagkatapos ay niyakap siya mula sa likuran. "I know it’s selfish of me to ask this, but please, don’t leave my side. I know it’s unfair for you because I don’t remember a thing but I need you, Creed. I need you more than my forgotten memories."
He turns to face her and holds her hand. "Nandito lang ako, hindi kita iiwan. I need you too, Lover. I need you more than the air I breathe."
Ilang segundong nanatili itong nakayakap sa kanya bago siya nito pinakawalan.
HINDI sila nagtagal ni Creed sa Cafe Via Mare. Pagkatapos nilang mananghalian, umalis sila at napagdesisyunang gumala sa mall.
They walk holding hands without destination. Tumitigil lang sila paminsan-minsan para tingnan ang naka-display sa salamin ng mga store pagkatapos ay maglalakad ulit sila.
Napatigil siya sa paglalakad ng makita ang libro na sinulat ni John Green. Ang ‘The Fault in our Stars’. Tumatak sa isip niya ang kuwento ni Augustus Waters at Hazel Grace. Nang matapos niyang basahin ang aklat na iyon, she wondered kung may iiyak ba sa libing niya maliban sa mga magulang niya.
The story is about that horrid sickness and its patient who keeps on fighting the sickness for their love ones. It’s an amazing book about Cancer.
"Why are you looking at that book?" Tanong ni Creed habang nakatingin sa libro ni John Green.
"Alam mo ba ang kuwento ng libro na yan?" Balik tanong niya.
"Oo. I didn’t read the book though, yung summary lang. Bakit?"
"Wala naman. I just wonder if like Augustus, my cancer will be back again to haunt me. They said na nakuha na nila lahat ng meningiomas sa utak ko pero hindi nila sinabing hinding-hindi na babalik iyon. We just assumed that it’s not going to go back. We hope it won’t."
Hinawakan siya ni Creed sa magkabilang balikat at pilit na hinarap dito. "Lover, hindi na babalik ang sakit mo. Hindi na." Mas bahid na pangamba ang boses nito pero hindi nito iyon pinahalata.
Pilit siyang ngumiti. "Tama ka. Hindi na babalik 'yon. I'm taking medicines naman."
Tumango-tangong ngumiti ito. "Tama. Hindi na iyon babalik. Everything is going to be okay."
Nagbaba siya ng tingin. "Yeah. Everything is going to be fine." Aniya at hinawakan ang parte ng ulo niya kung saan siya inoperahan.
She wants to believe that everything will be fine, but there’s a nagging feeling inside her that it won’t.
Naramdaman niyang niyakap siya nito. "I'm here, Lover, and I don’t plan on leaving you."
That made her smile.
Nag-angat siya ng tingin sa binata at nginitian ito. "Ang sarap sa pakiramdam kapag yakap mo ako pero pinagtitinginan na tayo ng mga tao. Nakakahiya."
BINABASA MO ANG
Creed's Lover (COMPLETED) - PUBLISHED under Precious Pages: LIB BARE
General FictionNOTE: SPG/R-R18 Dahil sa isang kasinungalingan, nagawang akitin ni Lockett si Creed Santillana, isang sikat na Phiotographer. At dahil din sa kasinungalingan iyon, naangkin siya ng binata. Akala ni Lockett ay walang halaga ang nangyari sa kanila ni...