CHAPTER 10

764K 17.9K 1.5K
                                    

CHAPTER 10

PAGDATING nila sa bahay ng mga magulang niya, nagkatinginan sila ni Creed. Napakakalmado ng ekspresyon ng mukha nito samantalang siya, halatang kinakabahan.

"Relax. Ideya mo ito kaya panindigan mo." Wika nito.

Humugot siya ng isang malalim na hininga. "Okay. I'm relaxed."

"Good."

Sabay silang lumabas ng sasakyan at magkahawak kamay na naglakad papasok sa malaking solar ng bahay nila.

When they entered her parents’ house, sweet music filled their ears. Humugot na naman siya ng isang malalim na hininga bago ipinalibot ang paningin sa buong solar.

"May papalapit sa atin." Narinig niyang sabi ni Creed.

Sinundan niya kung saan ito nakatingin. Inatake siya ng kaba ng makitang papalapit ang mga magulang niya sa kanila ni Creed.

"Relax. Everything will work out just the way we want it." Wika ni Creed ng maramdaman nitong nanlalamig ang kamay niya.

Pilit niyang ngitian ito. "Okay."

Nang makalapit sa kanila ang mga magulang na parehong may ngiti sa mga labi, pinisil ni Creed ang kamay niya.

"Hey, mom." Aniya at ngumiti. "Happy anniversary to both of you."

Ngumiti ang Mommy niya. "Thank you my dear." Dumako ang tingin nito kay Creed. "And you must be Creed?"

Pinakawalan nito ang kamay niya at mabilis na inilahad ang kamay sa mga magulabg niya. "Hi. I'm Creed Santillana. It’s nice meeting the parents of my beloved girlfriend."

Namula siya sa ginamit nitong salita. Really? Beloved girlfriend?

Kinamayan ito ng ama niya. "Hi. I'm Lexter Mendoza. Lockett's father."

Nang bitawan ng ama niya ang kamay ni Creed, ang ina naman niya ang nakipagkamay sa binata.

"Hello, dearest, I'm Lockett's mom. Devora Mendoza."

They shake hands for a second before letting go of each other hands.

"Happy anniversary po sa inyong dalawa." Magalang na bati ni Creed at may iniabot itong regalo sa mga magulang niya. "Heto po. Pasensiya na, iyon lang ang nakayanan ko."

Napatanga siya sa regalo ni Creed na hawak na ngayon ng mommy niya. May regalo si Creed? Bakit hindi niya alam?

"Aww." Her mother cooed. "You shouldn’t have."

"I want too." Creed smile widely.

"Come with me, Creed, I’ll introduce you to everyone." Her father interjected.

Binalingan siya ng binata. "You'll be okay?"

"Yeah, she will be fine." Sabad ng ama niya bago pa siya makasagot. "Lockett is a tough woman."

She smiled at her father. She took it as a complement. "Thanks dad."

Her father nodded then motioned Creed to follow him. Nagkatinginan sila ng ina ng umalis ang dalawa kapagkuwan ay walang sere-seremonyang niyakap siya ng ina.

"Salamat at dinala mo si Creed." Puno ng galak ang boses nito.

Kung alam mo lang ang pangaakit na ginawa ko. "Don’t mention it. He wanted to go."

Pinakawalan siya ng ina sa pagkakayakap. "Salamat talaga, dear."

She shrugged. "No problem."

Her mother smiled then she look pass her. "Maiwan muna kita, dear, ha? Dumating na ang business partner ng Daddy mo. Kailangan ko silang salubungin."

Creed's Lover (COMPLETED) - PUBLISHED under Precious Pages: LIB BARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon