CHAPTER 16
NAGISING si Lockett sa parang binibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit. She muffled a scream. As much as possible, ayaw niyang magising ang katabi niya, si Creed. Mawawala rin naman ang sakit na 'to. Kagabi pa masama ang pakiramdam niya, hindi lang niya pinahalata kasi abala si Creed sa opening ng bagong Hotel na ima-manage nito.
Walang imik siyang humagulhol habang sinasabunutan ang sarili niyang ulo. She wanted to scream but she didn’t. She won’t let Creed worried for her. Marami na itong iniisip, ayaw na niyang dumagdag pa.
Kahit hindi niya kaya, pilit siyang bumangon sa pagkakahiga at tinungo ang banyo. Habang sapo-sapo ang ulo at namimilipit sa sakit, pumasok siya sa banyo at padausdos na umupo. Impit na umiyak siya, nag-uunahang dumalusdos ang ang mga luha niya mula sa mga mata sanhi ng sobrang sakit na nararamdaman.
Hindi niya kayang i-describe ang nararamdamang sakit. Sa sobrang sakit, ini-umpog niya ang ulo sa tile ng banyo. Paulit-ulit na ginawa niya iyon hanggang sa pakiramdam niya ay wala na siyang maramdaman. She felt so numb. She wanted pull out her hair to stop the pain, pero alam naman niyang wala ring patutunguhan iyon.
Hindi niya alam kung kailan siya nakatulog, siguro nawalan siya ng malay sa sobrang sakit na nararamdaman.
LOCKETT came awake when she felt someone shook her shoulder. Agad siyang nagmulat ng mata at nakitang nasa loob siya ng banyo.
She was confused at first on why she is in the bathroom but then she remembered. Narito siya dahil sumakit ang ulo niya at ayaw niyang magising si Creed.
Nag-angat siya ng tingin at nakita niya si Creed na nakakunot ang nuo. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya sa binata.
"I could ask you the same thing. What are you doing here?"
Nag-iwas siya ng tingin at tumayo. "Wala."
Naunan na siyang lumabas ng banyo. Naramdaman niyang sinundan siya ni Creed. Hindi niya nilingon ang binata at tuloy-tuloy lang na naglakad patungo sa kama.
Umupo siya sa gilid ng kama. "Creed, puwede bang lumuwas ako ng Maynila ngayon?"
"Why?" His voice sounds was somewhat edgy.
"I'm going to my Parents house. Puwede ba?"
"Sure." Umupo ito sa tabi niya. "Kailan ang balik mo?"
She shrugged. "Tomorrow, maybe?"
"Okay. Just let me call the Pilot." Tumayo ito at kinuha ang cell phone sa night stand. "Ipapahatid kita sa Helicopter para makarating ka kaagad. And then hihintayin ka ng Helicopter hanggang bukas para makauwi ka kaagad dito."
She just nodded, incapable of speaking. Her mind is in turmoil at the moment. Kailangan niyang makausap ang mga magulang niya. She has to ask them if they have a history of migraine and what is the best medicine for it. She can call them on the phone to ask pero magpapa-check up na rin siya para sigurado. Kaya naman kailangan niyang lumuwas sa Maynila.
"Lover, I’m sorry. You can’t go to Manila today." Anang boses ni Creed.
Her eyes snapped at him. "Bakit? If hindi available ang Helicopter, I'll take the boat—"
"There's a storm coming." Wika nito at hinawi ang kurtina para makita ang labas ng Penthouse.
Tama nga ito. Mula sa kinauupuan niya, kitang-kita niya na madilim na ang kalangitan kahit—tumingin siya sa orasan— alas-dyes na ng umaga.
"Maybe I can still make it to the Dock before the storm hits." Pamimilit niya.
"No." Isinara ni Creed ang kurtina at tumingin sa kanya. "Hindi puwede. Baka abutan ka ng bagyo sa dagat. Hindi ako papayag." Lumapit ito sa kanya at umupo sa tabi niya. "Lover, kung ano man ang pakay mo sa mga magulang mo, can’t it wait until tomorrow?"
BINABASA MO ANG
Creed's Lover (COMPLETED) - PUBLISHED under Precious Pages: LIB BARE
General FictionNOTE: SPG/R-R18 Dahil sa isang kasinungalingan, nagawang akitin ni Lockett si Creed Santillana, isang sikat na Phiotographer. At dahil din sa kasinungalingan iyon, naangkin siya ng binata. Akala ni Lockett ay walang halaga ang nangyari sa kanila ni...