49~The Attack~

30.9K 465 9
                                    

Aloha! Sorry for the very late update guyz! Nag baguio escapade kasi kami ng wala sa oras. Harhar..Grabe ang ganda sa La Presa..yay...Sobrang manginginig kalamnan niyo sa lamig...hihi...share lang...anyway enjoy reading! :)

~

Napapaligiran na ng grupo ni Kristan ang kuta ng mga NPA. Tantiya nila ay nasa isang daan mahigit ang naroroon kasama na ang mga tauhan ni Chua. Lima lang silang sumugod dahil alam nilang hindi nila kakailanganin ang tulong. Sapat na ang kanilang kakayahan para ubusin ang pinagsamang grupo ni Chua at mga NPA.

 Kung tutuusin sa kakayahan ni Kristan ay kayang kaya niya itong mag-isa pero naaatat na kasi itong umuwi at para matapos ang laban agad ay mas maiging isama na ang mga kasamahan.

 Suot ang uniform na army at nakasukbit sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga hightech na sandata.

 Ang plano ay palilibotan nila ang buong kuta. Si Celvin ay magbabantay sa hilaga habang sa kanluran naman si Mark. Si Brenan sa Timog at sa Silangan naman si Gab. Sabaysabay na aatake ang apat habang hindi muna makiki-alam si Kristan.

 Ang usapan ay sa kanya ang pinuno ng NPA at lalong lalo na kay Chua. Malaki na ang atraso nito dahil ang tagal na nilang hinahunting ang gago. Pero sisiguraduhin niya ngayon araw na ito ay tatapusin na niya ang maliligayang araw nito.

 Hindi naman nagtagal ay nagsimula na ang putukan sa magkakaibang parte ng gubat. Makikita dito ang matapang at parang balewalang pakikipag-laban ng apat na kasamahan ni Kristan.

 Sa dami na ng kanilang nasagupa ay hindi na bago sa kanila ang ganitong pakikipaglabanan. Sa ibang banda ay makikita rin ang prenteng nakaupo lang sa sulok na si Kristan at naninigarilyo habang pikit ang mga mata.

 Pagkuway may nakarinig ng kaluskos sa bandang kanan si Kristan pero hindi manlang ito nag-abalang dumilat.

 “Hah…ikaw pala ang Daredevil na kinakatakotan ng lahat! Mayabang ka! Ako lang pala ang katapat mo! Papatayin na kita ngayon!”, litanya ng isang NPA na nasa likod ni Kristan at nakatutok ang baril kay Kristan.

 BANG!

 Isang putok ang umalingawngaw at kasabay nito ang pagbagsak ng walang buhay na lalaki na may tama sa noo.

 “Tch…Puro ka satsat gago! Isa lang ang kinakatakotan ko! At iyon ay ang nobya ko! Tangna mo!”, ngising sagot ni Kristan na nasa ganoong posisyon parin. Pagkuwa’y ibinaba na nito ang kamay na nakataas at nakatutok sa likuran. Umuusok pa ang baril nito.

 Isa sa mga kakayahan nito ay ang matalas na pakiramdam. Kahit nasa malayong lugar ay nararamdaman niya ang presensya ng mga tao sa kanyang paligid. Nakikilala niya ang mga ito sa pamamagitan ng pang-amoy.

 Sa kabilang banda kung saan nakikipag-laban ngayon si Mark. Pinapaulanan niya ng bala ang lahat ng mga kalaban na nahahagip ng paningin. Nasa gitna siya ng labanan ng-

 Krooooooook

 ‘’Shit I’m hungry ! ‘’, badtrip na sabi nito. Pagkuwa’y tumigil ito sa pagpapaputok at binuksan ang sukbit na bag na puno ng iba’t ibang sitsirya.

 “Wow..buti nalang boy scout ako…”, nasisiyahang sabi nito at nilabas ang Pritos Ring.

 Akmang bubuksan na sana nito pero umalingawngaw ang isang putok ng baril.

 Para naman slow motion ang nangyari at tinamaan ang-

 “Gago ang tanga mo! Bakit ang pagkain ang tinamaan mo!”, NPA1

She is Daredevil's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon