20~The Stranger~

25.5K 545 7
                                    

-Megan-

 "Walang kasalang magaganap dahil hindi ako papayag at wala na kayong magagawa pa para mabago ang desisyon ko"

Gulat na gulat ang lahat pagkarinig sa sinabi ng dalaga. Hndi makapaniwala  ang mga Smith sa narinig. Samantala, galit na galit kanyang ama.

PAAAAAAKKKKKKKK

Napabaling siya dahil sa lakas ng pagkakasampal ng kanyang Daddy sa kanyang pisngi. Napahawak siya sa nasaktang pisngi at hindi makapaniwalang tumingin sa ama. Umagos ang masaganang luha sa kanyang mga mata.

"Gabriel!" gulat na gulat ang ina sa nagawa ni Daddy. Dali-dali itong dinaluhan ang anak ngunit umiwas lamang si Megan.

"Si-sinaktan mo ako Dad....."

Natigilan naman si Gabriel na nakatingin lang sa anak. Pati sa kanyang sarili ay nagulat sa kanyang ginawa.

"Wala kang karapatang suwayin ang utos ko Allijah Megan dahil para sa iyong kabutihan ang desisyon ko...."matigas na sabi ni Gabriel sa anak.

"Ehem....mabuti pa mauna na muna kami kumpadre mukhang kailangan niyo pang kausapin ang anak niyo. Sa ibang araw na natin pag-usapan ang kasal ng dalawa..."sabi naman ni Mr. Smith.

"Tch...bingi ba kayo? sabi na ngang walang magaganap na kasalan eh.Bakit ba pinagpipilitan niyo iyan..siguro nga matanda na talaga kayo dahil nabibingi na kayo..."

"Allijah...."babala ni Gabriel sa kanyang anak.

"What? sasaktan mo na naman ako?"

"Wala kang galang!" sigaw ng kanyang ama.

"Pagsabihan mo ang anak mo kumare...mukhang matalas ang dila niya....kami na nga ang tumutulong eh ang bastos pa ng dila niya..."ang mataray na sabi ni Mrs. Smith

"Pagpasensyahan mo na kumare alam mo naman nabibigla pa kararating niya lang kasi kahapon galing New York. Yaan mo't kakausapin namin siya mamaya", hinging paumanhin ni Mommy dito.

"Sige kumpadre, aalis na kami..."Paalam ng mga ito.

Tatalikod na sana siya papuntang kwarto ng tawagin ulit ng ama.

"At balak mo talaga akong talikuran Allijah Megan...mag-uusap pa tayo" pigil ng ama.

"Wala na tayong dapat pag-usapan Daddy....sinabi ko na ang pasya ko at hinding hindi niyo ako mapipilit sa gusto niyo. Hinding- hindi ako magpapakasal sa lalaking iyon! For Pete's sake Dad may boyfriend ako! at mahal na mahal ko siya! Kung magpapakasal man ako...siya ang gusto kong pakasalan!"

Bakit kasi hindi nila iyon maintindihan?

"At talagang pinag-mamalaki mo talaga ang lalaking iyon! Anong mapapala mo sa kanya? Wala! Para sa iyo ang ginagawa namin Allijah! Kaya sa ayaw at sa gusto mo..susundin mo ang gusto namin"

"Dad bakit gustong gusto niyo akong pinapahirapan. Okay na ang buhay ko sa New York. Masaya na ako  eh kahit wala kayo! Pero pinauwi-uwi niyo ako dito para lang kontrolin ang buhay ko! Kung alam ko lang sana hindi nalang ako umuwi!"

"Sila lang ang paraan para hindi ka madamay Allijah kaya makinig ka sa amin. Para ito sa kabutihan mo"pag-susumamo ni Gabriel sa anak.

Naguluhan naman ako sa sinabi nito. "Hindi ko kayo maintindihan Dad..."

Bumuntong hininga si  Gabriel habang tahimik lang na umiiyak ang asawa. Naaawa sila sa kanilang anak dahil ito ang mas nahihirapan sa kanilang sitwasyon.

"Nagkamali kami ng Mommy mo anak. Naloko kami sa negosyo.  Nagkada utang-utang kami at ginagipit na kami at kukunin nila ang kompanya natin.  Patawarin mo kami anak. Ayaw kong idamay ka pa ni Ruiz, ang taong pinagkakautangan namin kaya dapat kang magpakasal sa anak ni Mr. Smith . Kailangan natin ang kompanya nila para makaahon tayo......sana maiintindihan mo."

She is Daredevil's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon