14~Daredevil gets mad!~

29.8K 562 4
                                    

-Megan-

Wala talaga sa mood gumala si Megan .Gusto niya nalang matulog. Nakaka-asar kasi si Kristan eh. Pinuyat-puyat siya kagabi tapos pumayag pang sumama siya dito kina Jeff. Kanina pa sila ikot ng ikot. Pagod na rin siya.

“Ayyy ano bang itsura iyan bessy”,reklamo ni Jeff nang napansin niya ang kaibigan na sobrang tulis ng nguso.

“Ehhh tinatamad na ako.Kanina pa tayo naglilibot dito. Anong oras na oh 5:00 P.M uwi na tayo”yaya niya sa kanila.

“Punta pa tayo doon sa souvenir shop na yon bessy”,sabi naman ni Jeff.

“Ayoko na! Kayo nalang. Antayin ko nalang kayo dito!”sabi niya sa kanila at umupo na sa isang bench. Ang laki pala ng resort na ito para narin silang nasa Mall sa dami ng mga stalls dito.

“KJ mo Bessy!”

“I’ll  just accompany Ms. Megan here ” sabi naman ni Micka

“Naahhh wag na. Hindi naman siguro ako mapapahamak dito. Sige na pumunta na kayo sa pupuntahan ninyo madali at anong oras na. Ayaw na ayaw ni Kristan ang malelate,mababaliw iyon sa kakahanap sa akin”,pagtataboy niya sa kanila.

“But-“tutol sana ni Micka.

“Hay naku Micka..Tara na nga! Iwan na natin ang babaeng iyan”,sabi naman ni Jeff at hinila na palayo si Micka

“Commander will be angry if -“

“Hindi naman mapapahamak yan jan eh. Nakaupo lang naman siya. Dalian nalang natin”sabi pa ni Jeff

“O-okay..”napipilitang sabi ni Micka

Palingon-lingon pa ito kay Megan na parang ayaw talagang iwan ito doon na mag-isa.

Wala pang limang minuto ng umalis sila ng makaramdam si Megan ng gutom. Naghanap siya ng nagbebenta ng pagkain. Ah ayon nasa pinakadulo pala ang food court nila.

Waaaahhhh.Ang daming foods! Umiilaw pa ang mata niya pagkakita sa mga pagkain. Maya maya pa may lumapit na sa kanyang babae na may hawak na pagkain.

“Goodnoon Ma’am, please try our free taste. This is our new product”tukoy nito sa pagkaing hawak. Wahhhhh! Gustong gusto niya pa mandin ng free taste kasi libre. Hihi…mabubusog na siya at wala pa siyang gastos.haha

“Really?”di makapaniwalang tanong ni Megan dito at nginitian ang babae  saka kumuha ng ilang piraso. Mukhang masarap naman siya..”Yuuuuuum Yummmmm….Hmmmm…it tastes good” sabi niya dito.

Bigla namang nagbago ang hilatsa ng mukha ng babae pagkatapos niyang kainin ang inaalok nito.  Ang kaninang magandang ngiti sa mukha ay nawala na. Ngumingisi na ito.

Nagulat naman si Megan sa mabilis na pagpapalit ng reaksiyon nito. Bumagal ang kanyang pagnguya pero bakit parang umiikot na ang kanyang napangin. Oh my gosh! Hinawakan niya ang ulo at naramdaman niyang hinila siya ng babae palayo sa lugar na iyon and everything went black.

Kristan help!

-Jeff POV-

Medyo natagalan sila sa pinuntahang shop dahil ang daming magagandang souvenirs grabe! Hala! alas syete na pala hindi na nila namalayan ang oras.

“Haha, girl,you should have seen your face a while ago!haha!”sabi niya kay Micka

“I know right.Haha” natatawa namang sagot ni Micka

Ang epic lang kasi mukhang tinamaan ang Amerikanong iyon kay Micka pero nagpanggap  na lalaking lalaki  si Jeff at tinawag na Honey si Micka…Haha….duduwal kunwari itong si Micka pero sabi pa ni Jeff sa Amerikano ay buntis kasi siya kaya ganun…wahahaha

She is Daredevil's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon