30~The Promise~

21.3K 356 5
                                    

“Lola, relax. Magiging okay si Mama. Aalis na ako para habulin si Mama. Magdasal nalang tayong walang masamang mangyari dito.’’, sabi ko dito

Dali-dali narin akong umalis para habulin ang kotseng minamaneho ni Mama.

Nang nasa daan na ako, tingin ako ng tingin sa paligid sa pagbabasakali na baka naroroon lang si Mama ngunit nabigo ako. Hanggang sa makarating ako sa liblib na lugar. Nagtataka ako dahil napakaraming tao doon kaya tuloy hindi ako makadaan dahil maraming nakaharang na sasakyan. Walang ng kabahayan sa parteng iyon dahil sa kanang parte nito ay malalim na bangin kaya nagtataka ako kung bakit ang daming tao ngayon. Saka ko napansin ang isa pang sasakyan na basta nalang nakabalandra sa gitna ng sasakyan. Ah kaya pala siguro may banggaan na nangyari.

Bumaba ako sa kotse para sana makiusap kung pwedeng padaan dahil hahanapin ko pa si Mama.

"Kawawa naman yung laman ng sasakyan na nahulog sa bangin......"

"Oo nga..parang babae ata ang laman niyon eh..."

"Patay na siguro yun malamang..ang lakas ng impact ng banggaan eh.."

Pagkarinig ko sa mga sinasabi ng mga tao sa paligid ay biglang tumambol ang dibdib ko.

"Miss, ano po ang nangyari dito?" tanong ko sa isa sa mga babaeng narinig kong nag-uusap kanina.

"Naku, yung babae na nakasakay sa pulang kotse nahulog sa bangin ngayon ngayon lang. Ang bilis niya kasing magpatakbo tapos nagbanggan sila ng isa pang kotse. Iyan nga iyong kotse eh kaso tumakas daw yung driver niyan", tuloy tuloy na pagsasalita ng babae.

Para naman akong pinasabogan ng bomba sa narinig. Pulang kotse..ang kulay ng sinakyan ni Mama. Dali-dali akong pumunta na gilid ng bangin at tumanaw sa ibaba. Tumigil ang mundo ko ng mapansin ko ang wasak na wasak na pulang kotse ni Mama sa ibaba.

"Mama..."bulong ko at tumulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako natakot ng ganito.

"Hala...nanay pala niya yung sakay ng kotse..kawawa naman siya....."narinig ko pang sabi ng babaeng pinagtanungan ko kanina.

Mabilis akong naghanap ng daanan pababa para maligtas si Mama. Hilam na ang luha ko sa mata at malabo narin ang aking paningin pero pinipilit ko parin na makalapit sa kotse.

"Hala, naku mister...delikado yan...hintayin na natin ang mga pulis..."sigaw ng mga tao. Pero wala akong paki-alam. May training naman ako sa ganito kaya dali-dali akong nagpadaosdos pababa para sakluluhan si Mama. Ngunit hindi pa ako nakalalapit sa kotse ay-

Booooooommmmmm!

Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala sa nakikita ng mga mata ko. Lumiliyab  na ang kotse ni Mama.

"Mama! Mama! Oh God no! Mama!" malakas na sigaw ko.

Wang! wang! wang! wang!

Kasabay non ay ang pagdating ng mga pulis at ang ambulansya pero parang wala na ako sa sarili ko na nakatingin lag sa kotse ni Mama na nagliliyab at patuloy parin ako sa pagsigaw.

"Hindi ito totoo...Mama! Mama!"

"Mr. Steve, delikado po kayo dito. Kami na po ang bahala dito", sabi sa akin ng pulis ng makilala ako.

"What?! Kayo ang bahala! Mga wala kayong kwenta! Ano pang magagawa ninyo! Maililigtas niyo pa ba ang Mama ko!" sigaw ko at binaling lahat dito ang galit at hinanakit ko.

She is Daredevil's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon