61~The End~

30.8K 323 9
                                    

~

after 2 years......

Kristan's POV

It's been 2 fucking years. Pero parang sariwa parin sa alaala ko ang nangyari. I lost my princess and my queen. Nasa puntod ako ngayon ng aking asawa. Ngayon ang death anniversary niya. Wala akong paki-alam kong kanina pa ako dito habang walang humpay ang pagpatak ng luha ko sa mga mata.

Ang sakit sakit sobra. Kailan man ay hindi ko inasahan na maagang kukunin ang aking asawa. Sana hindi nalang ako umalis. Baka hanggang ngayon ay buhay pa ang asawa ko. Baka nga may kapatid narin ang mga kambal.

Napatawa ako ng pagak. Lintik lang ang walang ganti. Buhay ang kinuha nila sa akin. Sisiguraduhin kong, buhay din ang kapalit. Mas maraming buhay. Hindi ko na problema kong ganito na ako ngayon. Binuhay nila ang demonyong matagal nagtago sa loob ko dahil sa pinakamamahal na asawa. Pero, ngayong wala na siya, magtago na sila sa kasuluk sulukan ng mundo dahil hindi ko palalampasin ang ginawa nilang pagsira sa pamilya ko.

Dahil sa hindi matanggap na katotohanang wala na ang asawa ko ay napabayaan ko narin ang paghahanap sa isa ko pang anak na magpahanggang ngayon ay hindi na muling nakita. Baby Abby...Ang prinsesa ko..HIndi nakita ang kanyang bangkay kaya malaki parin ang pag-asa ko na baka buhay parin siya pero napadpad lang sa kung saan saan.

Unti -unti na namang bumabalik sa memorya ko ang araw na iyon. Ang araw na nawala ang dalawang importante sa buhay ko.

the flashback

"Megan!", sigaw ko habang tumatakbo sa pasilyo papunta sa cabin namin pero hindi pa ako nakakalapit ay hinarangan na ako nina Gab at Brenan.

"Get out of my fucking way!", sigaw ko sa kanila pero hindi parin sila natitinag. Tiningnan nila ako na parang naaawa sila sa akin.

"Boss...please......", sabi ni Gab sa akin at hinawakan ako sa braso pero tinulak ko lang siya palayo sa akin.

"Didn't you hear me?! I said get out! I want to see my wife?!", sigaw ko dito.

"Boss...your cabin has been burnt...m-may i-isang bangkay doon na h-hindi na halos makilala pero eto ang mga gamit na nakuha sa kanya.", parang isang bomba ang dating ng sinabing iyon ni Celvin at nanghina ako ng makita ang gamit na sinasabi nito. Our fucking wedding ring! And some other jewelries that my wife owned.

"No! It can't be!", bulong kong sabi.

"Wife?! Megan?! Hindi siya iyan! Nasaan ang asawa ko!", nagsimula na akong magwala dahil hindi matanggap ang sistema ko na wala na nga ang asawa ko.

"D-daddy.........."

Napatigil ako sa pagwawala ng marinig ang tinig ng aking anak.

"B-baby Xander.....c-come......"

"Daddy!!!!*sob*",umiiyak na sabi ng anak at tumakbo patungo sa akin.

Niyakap ko siya ng mahigpit habang pareho na kaming naluluha sa sinapit ng pamilya namin.

"D-daddy *sob* where's Mommy and Abby. I promise to be a good boy now Daddy just brng back M-mommy and Abby", umiiyak na sabi nito.

"Shhhhhhhhh..I am sorry son.......",umiiyak naring sabi ko sa anak. siguro kung hindi ako umalis ay hindi aabot sa ganito ang lahat.

She is Daredevil's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon