47~Gab and his mouth~

33.2K 609 20
                                    

~

“Whoah..That was scary……”, mahinang sabi ni Mark ng makapasok na sila sa loob ng kotse. Kahit matagal na silang magkakasama ay hindi parin sila masanay sanay sa pagiging brutal ng Big Boss.

 “If you don’t mind boss…Why did you spare their life?”, takang tanong ni Brenan dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi nito pinatay ang nanakit sa nobya nito.

 “Well sabihin na nating..good mood ako sa lagay na iyon…pasalamat sila at buhay ang anak ko…God knows what will I do to them kung sakaling nakunan si Megan”, balewalang sagot naman ni Kristan.

 Nanlalaki naman ang mga mata nila sa sinabi ng Boss..Really? Good mood na siya sa lagay na iyon?..so hindi pa pala bad mood…meaning to say mas grabe pa doon pag naging naging bad mood siya? Nagkatinginan naman sila at sabay sabay na lumunok na parang iisa ang laman ng isip.

 “Diretso na ba tayo sa ospital boss?” tanong ni Celvin na siyang nagmamaneho sa kotse.

 “Nope…sa kabilang Villa tayo…hindi porket nagkasala na ako kay Janine ay palalampasin ko nalang ang ginawa niya... ‘’, napangising sabi nito.

 “Copy boss…”

 ~

 “Hello?! Bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko! Kanina ko pa kayo kinokontak. Kamusta na ang pagpapahirap niyo sa babaeng iyon?”, galit na salubong ni Janine kay Inday na binayaran upang pahirapan ang malanding babae na umagaw sa kanya kay Kristan.

 Nangunot ang noo niya ng wala man lang marinig na sagot sa kabilang linya bagkus ay tahimik na iyak ang naririnig.

“Ano bang nangyayari diyan…Hello?!”, bulyaw pa nito.

 “M-ma’am j-janine..t-tama na po..T-tigilan mo na ang pagganti mo…nakakatakot siya…”, paputol putol na sabi nito dahil sa pag-iyak kaya naman bahagya akong nalito.

 Ano bang sinasabi mo diyan…Sinong nakakakot?”, asar na tanong nito.

 ‘S-si Sir Kristan po..Alam na niya ang totoo ma’am..M-muntik na pong makunan si Ma’am Megan sa p-pinaggagawa namin..A-akala ko mamamatay na kami…”, pagkukwento nito. Nanlaki naman ang mga mata ko sa nalaman.

 “Shit…magkaka-anak na sila…hindi maaari…gumawa kayo ng paraan para mawala ang bata sa kanyang sinapupunan. Sa akin lang dapat si Kristan?!”, parang nababaliw ng sigaw ni Janine.

 “Subukan mo…saktan mo ang mga taong nagsisilbing buhay ko…ipapakita ko sa iyo ang itsura ng impyerno….”, isang nakakapangilabot na tinig ang nagpatigil sa pagsisigaw ni Janine. Nanginig siya sa sobrang takot ng mapagsino ang nagmamay-ari ng nakakapangilabot na boses na iyon.

 ‘K-kristan….”, kanda-utal na sabi nito ng harapin niya ang mga hindi inaasahang mga bisita. Sa likod nito ay ang mga kasamahan na masama din ang tingin dahil sa narinig na sinabi ng dalaga sa kausap na telepono.

 “Akala ko pa naman matino ka..Hindi ko halos maisip na magagawa mo ito. Kahit ang inosenteng bata na walang kamalay malay sa mundo ay muntik mo ng idamay…”, mapait na sabi ni kristan.

 “Really Kristan…? Nakapagtataka di ba? Hindi ako ito..Pero ginawa mo akong ganito dahil niloko mo ako, sinaktan mo ang damdamin ko! Kaya wala kang karapatang kwestyonin ako kung bakit ko ito ginagawa?!”, umiiyak na sabi ni Janine.

 “Sabihin na nating oo may kasalanan ako sa iyo. Sinaktan kita..Pero hindi ibig sabihin noon ay hahayaan na kitang saktan ang mga taong  mahal ko. Sisiguraduhin ko na dadaan ka muna sa akin bago mo sila makanti ulit..Itaga mo iyan sa bato..”,seryosong sabi ni kristan.

She is Daredevil's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon