37~Megan vs. Janine~

25.1K 460 7
                                    

-Kriztan POV-

"Woooh! I can't believe it! Nailigtas ang babae!", sigaw ng reporter na nakapansin sa amin ng makalabas kami mula sa kagubatan.

"Salamat sa Diyos", para namang nakahinga ng maluwag ang matandang tumulong sa nobya. Ngumiti ako dito. Nagbilin ako kay Mark na alamin ang lahat tungkol sa matanda dahil sisiguraduhin kong papalitan ko ng malaki ang ginawa nitong pagtulong sa nobya.

"Commander Villareal, how did you do it that fast?"

"Do you know who is  that woman?"

"Is she your girlfriend?" kung anu-ano ang binibitawan ng reporter na tanong ngunit kahit saglit ay hindi ko manlang ito binalingan ng atensiyon.

Mabilis naman ang galaw ni Gab at tinungo ang kinakaparadan ng kotse saka tumigil sa harap namin. Mabilis kaming sumakay lahat habang maingat kong buhat na buhat ang nobya na magpahanggang ngayon ay wala paring malay.

Lahat ng taong naroroon na nakapalibot ay nagbigay ng daan para maka-alis na kami sa lugar na iyon.

Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa Villa namin. Agad kaming sinalubong ng nag-aalalang sina Janine at Lola pati narin ang mga usyosong mga katulong.Napapailing nalang ako. 

Mabilis na lumabas si Celvin at pinagbuksan ako ng pinto. Dahan-dahan akong lumabas dahil sinisurado kong maayos kong mailabas ang nobya na wala paring malay.

Nakarinig akong ng pagsinghap ng mga tao sa paligid.

"Ohemgee....ang gandang babae naman iyan.",nanlalaki ang mga mata ni Inday.

Napansin kong kumunot ang noo ni Janine habang nakamasid lang sa amin habang masama naman ang tingin ni Lola sa nobya.

 "Hala kuya! Siya iyong kinidnap ng mga NPA!", sigaw pa ni Inday

Hindi ako sumagot bagkus ay pumasok na ako at dumeretso sa kwarto habang nakabuntot lang sina Janine at Lola kasama na si Inday.

"Heart bakit dito mo siya sa kwarto mo dinala? Di ba girlfriend siya ni Celvin? Bakit hindi nalang natin dalhin sa kwarto ni Celvin?", nag-aalangang tanong ni Janine.

Kumunot naman ang noo ko na bumaling dito. Muntik muntikan ko ng isagaw dito ang salitang NEVER! mabuti at napigil ko ang sarili ko.

"She will stay here..", may pinalidad sa boses ko na sabi dito pagkatapos ay dahan dahan ng inihiga sa malaking kama ko.

"But Miguel ano nalang ang iisipin ng nobya mo pag dito sa kwarto mo papatuluyin ang babaeng iyan", pakiki-alam naman ni Lola.

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nito. Kung hindi ako nagkakamali ay alam nito na si Megan ang girlfriend ko dahil nabanggit ko dito iyon pero bakit parang may nahihimigan akong disgusto sa tinig nito.

"Saka nalang siguro ko siya ililipat pagnagising na siya. Hayaan nalang muna natin siyang magpahinga rito. Alam kong pagod siya dahil sa nangyari", sabi ko nalang saka huminga ng malalim.

"Pero-"

"Lola, I really appreciate it kung lumabas na tayong lahat para makapagpahinga siya ng maayos", pagpuputol ko sa sasabihin nito.

"Hmmmmmmmpppp", inirapan nalang ako ni Lola saka nagmartsa na palabas habang hila hila sa kamay ang naguguluhan parin na si Janine.

Bago ako lumabas ay snulyapan ko muna ang nobya na himbing na himbing sa kama. Lumapit ako dito at saka dahan dahan na hinalikan ang noo nito.

"I love you babe..."bulong ko dito saka tuluyan ng lumabas.

~

-MegZ POV-

 Naalimpungatan ako mula sa malalim na tulog dahil nagwawala na ang mga alaga ko sa tiyan. Nilinga ko ang paligid at napansin kong nasa hindi pamilyar na kuwarto ako. Kulay blue ang pintura at panglalaki ang dating. 

Nabaling ang pansin ko sa larawan na nakalagay sa mesa malapit kung saan ako naroon. Nanlaki ang mga mata ko ng mapansin ko na larawan ni Kristan iyon. Agad na bumalong ang aking luha dahil nangangahulugan lamang na ligtas na ako mula sa mga NPA na kumuha sa akin.

Dali-dali kong pinunasan ang luha sa pisngi at maliksing nag-ayos ng sarili saka lumabas sa kuwarto.

Napakalawak ng bahay. Para akong nawawala dahil napakaraming mga kuwarto ang naroroon. Sinundan ko nalang ang pasilyo at natagpuan ko narin sa wakas ang hagdan kaya bumaba ako. Nasa kalagitnaan na ako ng maulinigan ko ang mga tawanan sa salas. Kaya mas lalo ko pang dinalian ang pagbaba.

Napangiti ako ng makita ko ang mga kasamahan com kaibigan ni Kristan sa NY SWAT. Mas lalo pang lumuwag ang ngiti ko ng makita ko si Kristan. Bahagyang nawala ang ngiti ko ng mapansin kong may katabi itong isang babae at mukhang nag-eenjoy sa pag-uusap ang mga ito.

Nagkibit ako ng balikat. Hay naku Megz baka kaibigan lang iyan....sabi ko sa sarili at tuluyan ng bumaba.

"Babe....", masaya kong tawag dito.

 Agad namang nabaling ang kanilang pansin sa akin ng marinig nila akong nagsalita. Nagtaka ako ng bahagyang natigilan si Kristan pagkakita sa akin at naglakihan naman ng mga mata ang mga kasama nito. Habang nangunot naman ang noo ng babaeng katabi nito at naguguluhan palipat lipat ang tingin sa aming dalawa ni Kristan.

"Babe.....", tawag ko ulit at naglakad palapit dito habang hindi parin inaalis ang tingin ko dito.

Malapit na ako ng mapansin kong mukha  itong tinuka ng ahas dahil hindi manlang ako magawang salubungin.

"H-hi babe...gising ka na pala", sabi ni Celvin sa akin at sinalubong ako ng halik sa pisngi.

Gulat na gulat naman ako kaya hindi ako nakagalaw. Tumingin ako kay Kristan at madilim na madilim ang mukha nito at nakakuyom ang mga kamao. Nakamamatay ang titig na binibigay nito kay Celvin. 

"Ano bang-", magrereklamo na sana ako ng magsalita ito ulit.

"Hay naku babe pinag-alala mo ako ha. Guyz wait lang ha, mag-uusap lang kami ng girlfriend ko", sabi nito at mabilis akong hinila at paakyat ulit sa hagdan.

Hello, kabababa ko lang kaya....

Anong nangyayari sa paligid ko...paki-explain.

She is Daredevil's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon