23~Expect the Unexpected~

26.4K 548 11
                                    

-Megan-

Kinakabahan siya sa pwedeng mangyari ngayong araw na ito. May nararamdaman siyang plinaplano ng mga magulang dahil harap-harapan nilang pinapamukha sa kanya na ayaw nila kay Kristan, ngayon naman biglang mag-aayang mag-lunch dahil gusto nila umano itong makilala sa personal?

Nakita niyang lumabas mula sa loob ng bahay ang kanyang Daddy at Mommy. Pareho silang seryoso ang mukha at matamang tinititigan si Kristan.

"Aren't you going to introduce us to your visitors anak?" seryosong tanong ni Daddy.

"Oh, my apology. Mommy, Daddy, this is Kristan, my boyfriend and Jeff, my bestfriend" pagpapakilala niya sa dalawa.

"Hello po tita and tito. It's nice to finally meet you", bati ni Jeff sa kanila. Humalik ito sa pisngi ni Mommy habang nakipag-handshake ito kay Daddy.

"Good day Mr. & Mrs. SY. It is my pleasure to meet my girlfriend's parents",confident namang bati ni Kristan sa mga magulang.

Natigilan pa ang mag-asawa sa buong buo na boses ni Kristan dahil may halo itong awtoridad.

"Finally, nakita ko na rin in person ang kinababaliwan ng aking anak. I'm wondering how did it happen coz honestly speaking I can't see any special about-"

"Mommy!" Saway ni Megan sa kanyang Mommy. Nakaka-asar sabi na nga ba may pinaplano silang masama kaya sila nag-imbita.

Napansin niyang ngumisi lang si Kristan at pinagkibit balikat lang ang naging attitude ng kanyang ina.

"Ang mabuti pa papasukin mo na ang mga bisita mo Allijah. Lumalamig na ang pagkain"sabi ni Mr Sy saka tumalikod at nauna ng pumasok sa loob ng bahay. Inis na sumunod ang kanyang ina.

"Like ohemgee bessy, ang taray ang mga parents mo ha. Ang taas,grabe lang hindi ko sila mareach..."hindi naman nakatiis na komento ni Jeff.

"I know right..."malungkot niyang sabi at binilangan si Kristan. "Are you okay babe? If you want sa labas nalang tayo kakain"suggest niya sa kanila.

"That's a good idea best",segunda naman ni Jeff.

"Nahhh. Let's join them in lunch. Wala namang dapat ikatakot.Ang mabuti pa pumasok na tayo", kontra naman ni Kristan.

Kaloka talaga itong lalaking ito. Hindi niya alam kong sadya talagang matapang o makapal talaga ang mukha nito.

Pumasok na sila at dumeretso na sa dinning area. Napamulagat siya dahil hindi lang ang kanyang Mommy at Daddy ang nasa harap ng mesa kundi pati ang pamilyang Smith! What?! Pinaningkitan niya ang kanyang Mommy at Daddy. Hindi siya makapaniwala. Anong binabalak ng mga ito?

Ngumisi naman si Darwin Smith pagkakita sa dalaga kaya bahagya siyang nainis. Naramdaman niya na medyo humigpit ang hawak ni Kristan sa kanyang kamay. Lumayo ng konti sa kanila si Xian para bigyan sila ng privacy. Nagbabantay lang ito at nag-hihintay lang ng utos.

"Hindi ako informed na may iba pa pala kayong mga bisita Mommy di sana hindi na kami pumayag na dito mananghalian. Nakakasira tuloy ng araw ang mga nakikita ko" diretso niyang sabi sa mga ito.

"Ang bibig mo Allijah.Baka nakakalimutan mo, hindi lang sila basta bastang bisita.  Magiging pamilya narin natin sila very soon...."makahulugang sagot ng ginang na nakatingin kay Kristan.

"Hah! Kahit tumalon pa kayo sa building never mangyayari yan. In your dreams Mommy", pang-aasar niya dito.

Nanlaki naman ang mga mata ng ginang sa sinabi ng anak.

Magsasalita pa sana ito ng putulin ito ng asawa.

"Enough!Maupo na kayo at kakain na. Nasa harap kayo ng grasya", seryosong wika ni Gabriel para matigil ang bangayan ng asawa at anak.

She is Daredevil's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon