45~Nervous~

30K 580 15
                                    

Wow...dahil may nababasa akong comment..nagiging inspirado tuloy akong magsulat..haha... kaya eto another update for today...thanks ihategrace!..:)

~

Makalipas ang ilang oras na paglilinis ay pagod na pagod na si Megan at hinang hina itong binagsak ang katawan sa sofa.

 “Mama…..”, naiiyak na tawag nito sa ina habang napapikit at tuluyan ng nalaglag ang butil ng luha mula sa mga mata.

 Kailan man ay hindi niya naranasang pahirapan ng kanyang Mama. Siya ang nag-iisang prinsesa ng pamilyang SY. Kahit may hinanakit siya rito na kawalan nila ng oras sa kanya ay hindi naman nila ako sinasaktan bagkus binibigay nila lahat ng layaw ko.

 Pero dahil sa laki ng pagmamahal niya kay Kristan ay gagawin niya ang lahat kahit nakakapagod. Hindi siya dapat sumuko. Kaya ko ito.

 Bumaling ako sa gilid at napansin ko ang telepono.

Hindi naman siguro masama kung tawagan ko sila para magkaroon ng lakas ulit para magpatuloy.

 Pagapang kong kinuha ang telepono. Ilang minuto pa ang pinalipas ko bago dumayal dahil siyempre hindi parin kami ganoong maayos ni Mama pero I really need someone now kaya naman pinindot ko na ang numero at naghintay sa pagtunog ng kabilang linya.

 Ring ring ring ring…

 “Hello po Sy Residence. Sino po sila”

 Napangiti ako ng marinig ko ang boses ng katulong namin. Boses ni Emma iyon.

 “E-emma..ako ito si Megan..”, sabi ko dito at narinig ko pa itong napasinghap matapos niyang marinig ang aking boses.

 “Ma’am! Miss na miss ka na po ni Ma’am Jeffa…Kami rin po kailan ka po-

 “Emma! Sino iyan!”

 Napangiti ako ng marinig ang mga salita sa kabilang linya. Kahit kailan talaga si Emma ay napakadaldal.

 Bigla namang kumabog ang puso ko ng marinig ang  ubod arteng boses ni Mama. Haha si Mama talaga...ang arte kahit kailan ! Natatawa nalang ako habang umiiyak. Baliw na ata ako pero namimiss ko na sila.

 Ganoon na nga yata talaga kapag sobrang lungkot mo ay saka mo maaalala ang mga taong mahalaga sa iyo lalong lalo na ang mga magulang.

 ‘’Madam ! Ito po si Ma’am Megan kausap ko..Hehe ‘’, natatawang sabi ni Emma.

 ‘’Ayy lokaret na babae ka ! Ang anak ko pala iyan eh bakit hindi mo sinasabi sa akin ha ! Ikaw ba ang nanay ha ! ‘’

 Ang kaninang iyak ay naging hagulhol na ng marinig ko ang pagbubunganga ni Mama. Kahit pala nakaka-asar siya minsan ay nakakamiss pala ito.

 ‘’Ma’am naman eh ! Eh sa namimiss ko narin si ateng ganda eh.. ‘’

 ‘’Heh ! Alis na at ako na ang kakausap sa anak ko !’’

 May narinig pa akong maingay na tunog bago ko narinig ang boses ni Mama. Mukhang nag-aagawan pa ata sila.

 “Hello anak…How are you..miss na miss ka na ni Mama…”

 Sabi nito kaya naman sobra pa akong napaiyak.

She is Daredevil's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon