CHAPTER ONE HUNDRED FIFTEEN

69 12 7
                                    

CHAPTER ONE HUNDRED FIFTEEN
(Party people!)

Angel's point of view

Hawak hawak ko yung pulsuhan ko nakumikirot at mamula mula pa dahil sa kagagawan ni Chad habang nakikinig sa klase,Oo nakikinig ako...

"Hey,what's wrong?"pabulong na tanong ni Daniel sakin,mukang napansin niya ang pag ngiwi ko ng kumirot iyon.

Grabe ka Chad!grabe!

Ano bang nangyari don?Nagselos?Ah!hahaha asa!Nakakaasar lang kasi pwede niya naman akong patigilin sa pag hawak pero hinatak pa niya ako!Pwede naman niya akong paunahin sa pag lalakad hinatak pa niya ako!Pwede naman niya akong hilain nalang sa kwelyuhan gaya ng ginagawa niya,oo mas okay pa yun para sakin, pero sa pulsuhan pa talaga niya ako hinawakan habang hinahatak!!,at sobrang higpit pa!!feeling ko nga kanina mapuputol pa ugat ko sa pulsuhan eh!

"Wala"sagot ko lang at muling tinuun ang attention ko sa nag tuturo at nakinig upang hindi ko masyadong maramdaman yung kirot sa pulsuhan ko.

Discuss

Discuss

Breaktime...

Hindi muna ako kumilos sa kinauupuan ko.Hihintayin ko munang makaalis silang lahat.

"Ahhh!!"napasigaw pa ako sa sakit ng hilain ni Daniel yung kamay ko kung saan yung masakit.

"So ito yung iniinda mo kanina pa?"tanong ni Daniel.

"Anong nangyari dyan?"tanong naman ni Froylan.

"Sino gumawa niyan?"tanong naman ni Travis.

"Tell me!,Tell us"sambit ni Daniel.

"Ahh...Dandan masakit eh bitaw na"parang maiiyak ng sabi ko dahil sa paghawak nito at itinataas taas pa.

"I'm sorry"pag hingi niya agad ng tawad."Ano bang nangyari?bakit may pasa to?Kamay to ah!Sino?Si Chad ba?Sinaktan ka ba niya?"sunod sunod na tanong nito.

Napairap nalang ako."Wala ka na don"sabi ko saka ko sinukbit yung bag ko at lumabas na.

"Angel!"

Napapikit nalang ako sa inis ng marinig ko ang pagtawag nila sakin.At wala na akong nagawa kundi ang huminto at harapin sila.

"Ano?!"iritang sabi ko.Gusto ko kasing mapag isa eh! kainis.

"Kailangan mapagamot mo yan,kahit mapahidan lang ng oitment"Sabi ni Travis habang dahan dahan na kinuha yung kamay ko at sinipat yun."May bakas ng kamay,Halatang mahigpit masyado ang pagkakahawak ng kamay na yun sa pulsuhan mo kaya nagkapasa,at yung sakit na nararamdaman mo dahil yun sa heat, siguro matagal na hinawakan."Sabi nito.Nasabi ko na bang si Travis dati ang doctor namin pero future business man?Hahaha.

"Si Chad ang may gawa?Am i right? or left?"tanong naman ni Froylan.

"Segeh na!Ipapagamot ko na at ng matahimik kayo"pag iiba ko ng usapan at nag lakad na patungo sa clinic.

Wicked Angel (Part One)Where stories live. Discover now