Chapter 04

259 88 9
                                    

Chapter 04 : Date?

Angel's Point of view

School. House. Boring.

Pagkatapos ng klase dederetso agad ng uwi sa bahay namin. Hindi na nila ako hinahayaang mawala sa paningin nila. Hindi na uli. Nagalit sa aming lahat si Chad dahil nakatakas kami ni Gaio sa kanila.

Mas nagalit siya sa akin. Hindi ko nga siya nagawang sagotin kasi may punto naman siya.

"Paano kung si Gaio ang inatake at hindi ikaw? May magagawa ka ba doon?" sabi niya.

Natawa na lang ako. Oo nga ano? Sa sobrang yabang ko hindi ko naisip na may Gaio na madadamay.

Hindi na nila ako hinahayaang umalis ng bahay upang gumala. Kahit anong gawin ko, nakabantay na sila. Wala naman akong magawa kundi ang mainis na lang.

They're exaggerating.

Ano naman kung i-hunt ako ng mga kagrupo ng lalaking Vinz ang pangalan at gumanti? Kaya ko naman ang sarili ko. Sinasabi ko sa kanila 'yon pero hindi nila ako pinapaniwalaan.

Parang gusto ko na lang sapakin sa muka si Gaio na walang magawa sa buhay kundi ikwento ang kalokohan niya at hindi na hiyang ikwento mga kamanyakan niya.

"Did Gaio kiss you?"

Nasamid ako sa usok ng sigarilyong hinihithit ko dahil sa gulat nang bigla may nagsalita sa tabi ko. Nasa beranda kasi ako at nagpapahangin.

"Sorry." natatawang hingi niya ng tawad. Nang maging maayos na ay nagsalita ako.

"Hindi. I kissed him. In the cheek. Ako ang humalik, hindi siya ang humalik sa akin." pagtatama ko.

"Why?"

"A tripped kiss." sagot ko. Tinignan niya lang ako. At alam ko ang klase ng tingin na 'yon kaya natawa ako, "don't look at me in that way, Justin, It was just a tripped kiss and If you think about the rule. I'll never break a rule. I mean we." sabi ko at inubos ang sigarilyo at tinapon 'yon sa sahig at tinapakan.

Tumango naman siya, nakakaintindi. 

Nang kwenento ni Gaio ang ginawa kong paghalik sa kaniya at kalokohan namin, ang rule agad ang pinaalala nila sa amin. Pinaliwanag namin ni Gaio na wala lang 'yon. Noong una ay hindi sila kumbensido ngunit kalaunan ay naniwala rin. Ilang beses na akong nagpaliwanag at 'yan ang liniyahan ko.

At bukod sa hindi pagsira sa patakaran, hindi namin papatulan ni Gaio ang isa't isa. Mas malaki ang tansya na magrambulan pa kaming dalawa kaysa magkaroon ng relasyon. Magkaibigan lang kami.

"Kailangan ko ng kasamang... babae." rinig kong sabi ni Chad habang naglalakd na kami ni Justin patungo sa sala.

Tumingin ang lahat kay Dana kaya napatingin din ako sa kaniya. Siya ang laging isinasama sa tuwing ganitong sitwasyon. Sa ilang buwan ko rito, si Dana ang nilalapitan kapag may misyon na kailangan ng babae. Hindi ko alam kung bakit siya.

"Chad, I have a date tonight." tanggi agad ni Dana. Halata naman. Maganda ang ayos niya ngayon. Well, maganda naman palagi ang ayos niya pero mas maganda at mas elegante siya tignan ngayon.

Sana lahat.

Wala sa sariling napatingin ako sa ayos ko saka ngumuso. Partida, ito na ang pinakaayos kong damit. Oversized shirt and ripped jeans na malaki pa sa akin.

Wicked Angel (Part One)Where stories live. Discover now