Chapter 06

199 78 7
                                    

Chapter six ; Hated

Angel's Point of view

"Masakit 'to." imporma ni Justin na siyang gagamot ng sugat ko. May hawak hawak siyang bulak na may alcohol. Wala kasi kaming ibang kagamitan sa paggagamot maliban doon.

"Alam ko." sagot ko.

"Kung hindi ka tumakas hindi mangyayari 'yan sayo." rinig kong sabi ni Carl kaya napatingin ako sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay na para bang tinatanong kung anong tinitingin tingin ko kaya inirapan ko siya.

Pumikit na lang ako at pilit kinakalma ang sarili upang hindi makapagsalita ng kung ano ano. Numbat pa kasi, e, nananahimik na nga ako. Hindi pa ba sila tapos pagtatalakan ako kanina? Halos lahat lahat sinumbat nila sa akin maging 'yong mga bagay na hindi naman dapat. Kamuntik muntikan na akong mamatay kanina dahil sa pagkaubos ng dugo hindi pa rin sila tumigil. Kung hindi siguro nakita ni Gaio 'yong dugo sa likod ko hindi pa nila ako titigilan.

Halos lahat sila ngayon ay narito sa sala. Akala ko pa naman ay nag-aalala sila pero hindi dahil narito sila kasi hindi pa sila tapos na pagsabihan ako.

Salita ng salita. Nag-uusap usap sila patungkol sa akin pero hindi ko sila marinig dahil sinasadya talaga nila na hindi ko marinig. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pigilan ang sarili na pagmumurahin sila.

Napabuga ako ng hangin nang halos hindi ko maramdaman na ginagamot ako ni Justin dahil halos hindi naman niya idikit ang bulak sa sugat ko.

"Akin na nga!" inis na sabi ko at padarag kong kinuha mula sa kamay niya ang bulak.

"Bakit ka pa kasi tumakas? Ayan tuloy ang nangyari sayo."

"Pakialam mo ba?" mayabang na tanong ko.

"Tanga ka ba? Malamang ay may paki ako." sabi niya at kulang na lang ay tampalin niya ako sa noo.

Tumawa lang ako. May paki? Kalokohan.

"Kalokohan." natatawang ani ko. Inalis ko na lang ang damit ko na siyang hadlang sa pagagamot ko sa sarili. Nakasuot naman ako ng sport bra kaya ayos lang.

Rinig ko rin ang pagsinghap ng ilan sa mga kasamahan namin. Mukang nakita nila ang katawan kong balot ng dugo, sugat at mga pasa. Hindi ko na lang sila pinansin at pinagpatuloy ang panggagamot ko sa sarili. Mariin ko na lang na kinakagat ang labi ko upang doon ituon ang atensyon ko dahil sa hapdi.

"Sandali, Chad, anong gagawin mo riyan sa alcohol?" rinig kong tanong ni Gaio kay Chad pero hindi ko na pinansin.

Nagkaroon ng kumosyon pero hindi ko sila pinansin. Ang hapdi hapdi ng sugat ko.

"Shit. Calm down, Chad, that might hurt her."

"Hard."

"Pigilan niyo siya."


"She deserve that. Let him."

"Gago ka ba?"

"Gago ka rin."

Natatawang napatingin ako kay Shadow at Sedan dahil nagmurahan sila pero nawala ang ngiti sa labi ko nang makita ko si Chad na papalapit na sa akin.

Wicked Angel (Part One)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora