CHAPTER EIGHTY

88 15 3
                                    

Author's Note : Lately I've experiencing writer's block...yeah ewan ko ba!wala talaga akong mapiga sa utak ko para maisulat.NABLABLANGKO ako😣😅Kaya sorry at ngayon lang ako nakapag update....kagabi lang kasi ako naka isip eh!tinapos ko na tutal hindi naman ako makatulog Kaya ayan ang results.

3chaps lang!

Hope you like it 😘lab you!hehehe❤️

_-Tatashart💜

CHAPTER EIGHTY
(New classmatesss)

Angel's point of view

Pagkarating namin sa bahay hindi parin mawala sa isip ko yung nakita ko.

Alam mo yung feeling na tawa lang ako ng tawa tuwing magkwekwento si Oscar sa sugar mommy niya sakin pero ngayon na nakita ko yun napapaisip ako.

Bakit niya hinalikan yung babae?

Bakit ganon niya tignan yung babae?

Seryoso kaya si Oscar sa sugar mommy niya na yun?

"Hi! guys!!!!" sabay kaming lahat na napatingin sa sumigaw.Si Oscar yun na may malawak na ngiti at hyper na hyper pero kanina yung mga mata niya malungkot na masaya.

"guys!the dinner is ready!" rinig kong sigaw nila Dana at Liza mula sa kusina at ayun sila...nagsitakbuhan ng parang bata sa kusina maliban kay Justin at Chad na naglalakad lang habang nag uusap papuntang kusina.

Pero ako nakaupo lang ako habang nakatingin lang kay Oscar na nakaupo sa sofa at nagpapahinga.

"Hoy!" tawag ko kay Oscar pero hindi niya ako pinansin at hinilot hilot niya lang yung ulo niya.

"Sakit ng ulo ko grabe!" Sabi lang nito.

"Hoy!" tawag ko uli sakanya pero hindi niya man lang talaga ako pinansin."Oscar!" tawag ko sakanya ayun lingon agad.

" May pangalan naman kasi ako hinihoyhoy mo ako" Singhal nito sakin.

Natawa nalang ako.Kaya pala hindi namamansin ang loko!

"Sabihin mo nga sakin....San ka galing?" tanong ko.Kumunot naman ang noo niya.

" Sa bar bakit?"sagot nito.

"Bago ka pumunta sa bar?" tanong ko uli.

" Bakit?imbestigador ka na ba ngayon?"tanong nito at pinalaki pa ang mata.

"Hindi nanay mo ako ngayon?!"Sabi ko na kinatawa niya.

"Okay fine!Nay Angel nagpunta ako sa bar to remove my boredom."

"Ahh bored ka..." tatango tangong sabi ko.

"Oo"

"Pag mabobored ka uli try mo pagpatung patungin lahat ng gamit mo sa kwarto niyo tas mag bigti ka."Nakangiting sabi ko na kinabusangot niya.Mag sinungaling ba naman!Halata naman na hindi siya galing don!

"Alam mo bwiset ka!"nakangusong sabi nito.

"sinungaling ka kasi" singhal ko at tumayo na."Tara na sa kusina!kain na!"aya ko bago ko siya iniwan don.

Halata siya....halata na hindi siya galing sa bar!kasi hindi naman siya amoy bar!hahaha.At higit sa lahat hindi siya magaling magsinungaling!

Hindi gaya ko!

Wicked Angel (Part One)Where stories live. Discover now