CHAPTER EIGHTY FIVE

82 16 1
                                    

CHAPTER EIGHTY FIVE
(Daniel's taker?no way!)

Angel's point of view

Parang yung tingin na parang gusto niya ako ibalibag ng many times at hard.

Lagot

"Ah eh hi!" Sabi ko nalang sabay kaway.

"Why are you here?diba dapat nasa hospital ka at nagpapahinga?"tanong niya agad agad habang seryosong nakatingin lang sakin.

Ibubuka ko palang sana yung bunganga ko para sagutin siya ng magsalita uli siya.

"Bukas pa ang discharge mo!atat na atat ka bang magpahatid at magpayakap sa ex mo?"dagdag pa nito at ang kaninang seryosong tingin at pananalita niya ay napalitan ng pagkasarkastiko.

Aww naman masakit siya magsalita.

Sasagot na sana uli ako ng magsalita uli siya.

"What a bitch." ngising sabi niya tapos tumayo at lumakad.

Napipi lang ako at nablangko dahil sa mga pinagsasabi niyang masakit sa tainga.

Di man lang ako hinayaan ng mamaw na yun na magsalita.Hindi man lang niya pinakinggan yung tunay na dahilan ko kaya ako umuwi.

Ayoko don.Nakakabanas don.Dadalawin ka daw ng parents mo pero yung sermun nilang naipon ng ilang buwan ang sasanasala nila sayo.Dapat nga tinanong muna nila na okay ba ako?ganon muna sana bago nila isabon sakin lahat ng sermon!tsk.

Di man lang niya ako pinag explain sa nakita niyang kayakap ko kuno ang ex ko.

Una sa lahat hindi ko inaasahan yun.Pangalawa hindi ko rin aakalain na gising pa siya at makikita niya yun at nakapagsalita siya ng ganon sakin.

At bakit ganon nalang siya mag react.

Nagseselos kaya siya?

Hahaha Asa!

Hindi naman pinagbabawal sa mundo na yakapin ang ex diba?

Gago kasing Dandan yun masyadong nawindang sa pagtawag ko sakanya sa pangalan niya na ako ang umembento. Yung Dandan na pangalan kasi ni Dandan ay ako ang nag embento at ako lang din ang tumatawag sakanya non.

Naupo nalang ako sa sofa at napabuntong hininga at muling napabusangot sa sinalita sakin ni Chad.

Sakmalin ko kaya siya!kainis siya!

Tulog na kaya siya? pag tulog na siya tatalian ko yung kamay at paa niya para hindi siya makaalis sa kwarto niya bukas.

Sarap bangasan ng muka niya!

Nagpunta ako sa kusina at kumuha ng ice pack at naupo sa sahig at idikit ko ang muka ko sa ice.Bakit ganon yung hospital na yun?!hindi kasi naalis yung pasa ko.

Ayoko ko namang pumasok sa school bukas ng super daming pasa sa muka!buti sana kung sa katawan lang!pati kasi sa muka eh.

Inaantok na ako kaya naman bago pa ako makatulog sa sofa ay nagtungo na ako sa kwarto ko.

Crying is good for the soul

Sumagi na naman yan sa isip ko bago ako makatulog.

Kinabukasan..

Pag gising ay agad kong ginawa ang morning routine ko.

Pag baba ko sa baba malamang ay wala akong naabotang nag aasaran sa lamesa.Wala akong makitang pag kain.Wala akong makitang tao.Wala.Walang tao.

Wicked Angel (Part One)Where stories live. Discover now