Chapter 08

184 67 0
                                    

Chapter One ; True Color

Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil maingay silang lahat. As in lahat. Maging si Chad ay nakisali rin sa kasiyahan nila. Maliban sa akin dahil hindi ako makakilos ng maayos. Masama ang pakiramdam ko at pagod ako.

Kailangan ko na talagang magpahinga pero hindi naman ako nakatulog dahil maingay sila sa baba. Hindi ko alam kung sinasadya ba nila o ano! Nakakabanas lang.

Kaya naman bumaba ako roon para panoorin na lang sila hanggang sa matapos. Pareho lang naman ang lagay ko sa harap nila at sa loob ng kwarto.

"Bakit ka naman bumaba? Hindi ba sinabi namin sayo na magpahinga ka na?" iyon ang salubong na sabi ni Shadow dahil siya ang unang nakakita sa akin. Napatingin naman ang lahat sa akin. Naaasar na tinignan ko naman sila.

"Ginagago niyo ba ako? Paano ako magpapahinga e ang ingay ingay niyo diyan?" asar na sabi ko. Pero lahat naman sila tumawa.

See? Sinasadya nila.

"Sinasadya niyo eh." dagdag ko pa.

"Masyado bang halata?" sagot naman ni Gaio na siyang nakapagpatawa sa kanilang lahat, maliban kay Chad na nakangisi habang nakatingin sa akin.

Ewan ko din ba sa lalaking iyan at sinasakyan ang trip nila ngayong panggagago sa akin.

"Ang saya mo kasing tignan habang naghihirap. Nagdiwang tuloy kami." hirit na sabi pa ni Carl.

"Ah... talaga ba?" agad akong naghanap ng bagay na ibabato sa kaniya pero wala akong nahanap kaya naman kahit iika-ika sa paglalakad ay lumapit ako sa kaniya pero tatawa tawa lang itong naglakad palayo sa akin. "lumapit ka rito,"

"Ayaw ko nga, demonyo ka eh." sabi pa niya na  nakapagpadagdag ng asar ko sa kaniya pero ngingiti ngiti lang siya dahil alam niyang wala akong magagawa sa ngayon dahil sa kalagayan ko.

"Guys, let's stop this already." lahat kami napatingin kay Chad nang sabihin niya iyon. "she really needs a rest." turo niya sa akin Bago niya kami tinalikurang lahat at umakyat na sa kwarto niya.

"Halika na, Angel, hatid na kita sa kwarto mo." aya naman ni Justin sa akin. Pero nang makita niya ang kalagayan ko ay siya na mismo ang lumapit sa akin.

Nagulat pa ako nang hawakan niya ang kamay ko at inalalayan niya akong maglakad. Binalak ko pang bawiin ang kamay ko sa kaniya pero hindi niya iyon pinakawalan. Ayan tuloy pinagtitinginan kami ng mga kagrupo namin.

Hinayaan ko na lang pero nang makarating kami sa tapat ng pinto ng kwarto kung saan ako tumutuloy ay nakita ko si Chad na nakasandal sa pader malapit sa pinto kaya mabilis pa sa alas kwatrong binawi ko ang kamay ko sa lalaki.

"Check her wound before you leave." bilin ni Chad kay Justin na tumango lang bilang sagot.

Wala na talaga akong nagawa nang hawakan niya uli ang kamay ko upang alalayan ako sa paglalakad. Nakita ko na napatingin doon si Chad kaya nakaramdam ako ng kaba pero nawala naman iyon nang makita ko na wala naman siyang reaksyon at basta na lang umalis sa harapan namin.

"How's your feeling?"

"Not bad, but not good.. Sana gets mo." sabi ko at tumawa naman siya. Maayos naman kasi ang lagay ko. Medyo nagagalaw ko na ang kamay ko kung nasaan ang sugat ko pero kapag nasosobrahan ay masakit pa rin.

"Kapag nakaramdam ka ng sakit tawagan mo na lang ang number ko." he said and he typed his phone number in my phone. Doon ko lang din narealize na, oo nga ano?.. Hindi ko pa alam ang phone number niya at ng iba sa amin.

Wicked Angel (Part One)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz