Chapter 12

159 54 0
                                    

Chapter 12 : Leader

Angel's point of view

Nakangusong inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Pagod na pagod ako. Wala naman akong ginawa pero pagod ako.

Drained.

Kinausap ko uli si Rosh sa telepono kanina. Medyo maayos na siyang kausap. Seryoso. Pero mas seryoso ako. Wala kasi sa usapan na iha-hack niya ang phone ko at kukuhanin ang phone number ko at tatawagan niya ako. At lalong wala sa usapan na magpakita siya sa akin habang kasama ko ang grupo. . . kasama ko sila Chad.

"Labas." aniya Chad habang pahilang iginagaya ako palabas sa kwarto niya.pero hindi ako nagpatinag.ang ganda palang ng higa ko sa kama niya eh.

Syaka bakit pa siya umuwi dito at hindi natulog sa bahay nila.Anong oras na oh!

11:57

Malapit na mgsilabasan ang mga multo.umuwi pa siya!

Naabotan niya kasi akong nakahiga sa kama niya.eh bakit ba kasi siya lang ang pwede dito!syaka bakit ba ang ganda dito!? malinis!tapos amoy Chad pa ang bango.kaso saka lang ako nakakatulog dito tuwing hindi siya umuuwi dito o kung minsan nagpapaalam ako at good mood siya kaya oo lang siya ng oo .

Ang linis ng kwarto niya wala kang makikitang dumi o magulo.

Parang bakla na hindi ganon!

"Yoko!maya nalang hindi ka pa naman matutulog eh!"ingit ko at mas siniksik pa ang katawan sa kama.ang bango talaga pramis!

"Don't sleep here."sabi niya at hinihila ang kamay ko at pilit na pinapaalis ako sa kama niya.

Sungit!!

"Hindi naman eh makikihiga lang tapos ipipikit ko lang yung mata ko tapos aalis ako bukas"ngiting paliwanag ko.pero hindi niya yun pinansin at padarag niya akong hinila paalis sa kama niya kaya nahulog ako sa sahig!"argh!"sigaw ko at napahawak sa balakang ko.

"Hey...tanga mo kasi"sabi niya at inakay ako at pinaupo sa kama niya.kaya tinignan ko siya ng masama dahil sa sinabi niya.

"Hah!Ikaw kaya ang nanghihila dyan!madamot ka"ingit ko at nagcross arm."makikitulog lang naman e"dagdag ko pa.

"No.way."

"No way ka dyan eh ilang beses na ako nakitulog dito tapos no way pa rin.."

"Yeah right ilang beses ka ng nakitulog dito tapos madamot parin.."banat niya kaya napakamot ako ng pisngi.nagcross arm naman ito at pinagkatitigan ako.

"Hehe oo nga Noh?pero kasi gusto ko nga makitulog dito"pacute at nagmamakaawang sabi ko pa.

"Don ka kila Justin o kaya kila Gaio.dali labas"utos niya pero nahiga nalang uli ako sa kama niya."I said don't sleep here."

"Segeh na ayoko na katabi sila Gaio at Carl ang gulo nila sila Justin naman at Klien ang tahimik tapos sa iba naman hindi ko naman medyo close ni hindi ko nga alam pangalan nila eh"paliwanag ko.napabuntong hininga naman siya habang nakatingin sakin ng deresto.

Wicked Angel (Part One)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora