CHAPTER 36: MISSING

21 1 0
                                    

Shine's POV

"Sa wakas natapos ko na rin!!"

Napapalakpak na lang ako nang makita ang cake na ginawa ko. It's perfect!! Hindi man ako marunong magluto marunong naman akong magbake ng cake.

"Girl, birthday ba talaga ni Darwin ngayon?" tanong ni Jane kaya umiling ako bilang sagot. "Eh bakit tayo ngayon mag-ce-celebrate?"

"It's because we're a month late, Jane." sagot ko habang nakangiti, "Wala kasi sya noon, di ba? Nasa Korea sya. February 28 ang birthday nya eh. Kaya hindi natin nacelebrate dahil March na noong dumating sya. At April na ngayon. Bakit hindi natin i-celebrate? Tutal may limang araw pa naman tayo dito sa isla."

Chocolate cake ang binake ko. Dahil yun lang naman ang ingredients dito. Hindi ko alam kung anong ginagawa ng mga lalaki pero nasa labas sila dahil sinabi ko na libangin nila si Darwin. Kinuha ko ang cake at dinala yun sa labas. Natanaw ko naman mula sa malayo ang apat na lalaki habang si Gael ay nag-iihaw ng barbecue.

Napatingin sa amin si Dain kaya sinenyasan ko na syang dalhin si Darwin dito. Nakita ko kung paano nila basta basta na lang piringan si Darwin at kinaladkad papunta sa pwesto namin. Pare-pareho kaming natawa nang makitang ilang beses pa silang sabay sabay na nadapa.

"Nagkakasundo talaga ang mga loko kapag ganyang kabaliwan, no?" kinukuhanan pa ng video ni Gia ang apat na lalaki.

Hindi ko mapigilan na mapangiti habang nakatingin sa tatlo na ngayon ay hila hila ang paa ni Darwin at kinakaladkad papunta sa amin. This peaceful place has been one of the reason why our friendship becomes even more stronger.

"One! Two! Three! Tayo!!" sabay sabay nilang binuhat patayo si Darwin na nabalot na ng buhangin dahil sa pangangaladkad ng tatlo.

"I swear to God, Uno. If I have taken off this blind fold, I'll throw you in the middle of the sea where you won't be found---"

"Happy birthday!!!"

Bakas ang gulat sa mukha ni Darwin pagkatapos nyang matanggal ang piring sa mata nya pero umakto syang parang hindi nasorpresa, "It's not my birthday today. It's already months late to greet me."

"Alam namin na hindi mo birthday ngayon, Dos. Bawal na ba naming i-celebrate ang kaarawan mo?" tanong ni Dain at kinuha pa talaga ang cake na hawak ko tsaka yun inilapit kay Darwin. "Hindi naman siguro masamang ipagdiwang ang kaarawan ng kaibigan namin."

Agad na nakatanggap ng pang-aasar mula sa iba naming kaibigan si Dain dahil sa sinabi nya kay Darwin. Namumula rin kasi ang tenga ni Dain na hindi naman nya magawang itago mula sa amin.

"Uyy...Si Dain namumula." sabi ni Jane na tinataas taas pa ang kilay.

"Ayun naman, mahal na mahal nya ang Dos nya." segunda naman ni Gia.

"Oh baka, Dain yan!! HAHAHAHAHAHAHA!!!" dagdag ni Drake na naging dahilan ng mas malalong pamumula ni Dain.

"Sige na, mapupudpod na yang kandila hindi mo po hinihipan." 

Natawa naman si Darwin dahil sa sinabi ni Gael bago pumikit at hinipan ang kandila. Pumalakpak kaming lahat at muli syang binati ng happy birthday ng biglang sumingit si Ken.

"Anong hiniling mo, Brother?" lumapit sya kay Darwin tsaka umakbay, "Hulaan ko, hiniling mo na sana i-kiss ka ni Shine, no?"

Nagtawanan silang lahat habang ako ay napayuko dahil sa sobrang hiya. Muli nilang tinukso si Darwin pero tumawa lang sya at binatukan si Ken bago kami inaya na kumain na. Naramdaman ko naman ang pag-alis nila habang si Darwin ay tumabi sa akin at hinawakan ang kamay ko.

UNFORGETTABLE FEELINGSWhere stories live. Discover now