CHAPTER 5: YOU!!

96 7 1
                                    

Shine POV

Pagkaalis ng tatlong unggoy natadtad ako ng tanong.

"Huy Shine, anong first yung sinasabi ni Darwin?" tanong ni Gia

"Oo nga Shine, ikaw ha. ayyyieeee so ano nga yung first na yun?" sabi naman ni Jane.

"Basta promise hindi nyo sasabihin kahit kanino."

"Okay promise!!" sabay na sabi nila ng nakataas ang kamay.

"Ganito kasi yun. May lumapit sa aking lalaki doon sa canteen. Then ang sabi nya gusto nya akong makausap. Tapos ayun hinablot nya yung kamay ko pero syempre kumawala agad ako. Tapos nung sisipain ko na yung lalaki dumating yung SAVIOR kong unggoy kahit na hindi ko naman kailangan ng tagapagligtas." huminto muna ako at tumingin kila Gia at Jane na mukhang naghihintay na sa susunod kong sasabihin.

"Sino naman yung Savior mong unggoy?" nagtatakhang tanong ni Gia.

"Edi yung unggoy na dahilan kung bakit ko to kinukwento sa inyo."

"Ahhh so si Darwin yun?" nakangising tanong naman ni Jane tumango naman ako.

"Kyaaaahhhh!! So Darwin is your knight in shining armor!! Waahhhhhhh!! You're so swerte naman, Shine!!"

Kailangan talagang sumigaw? Tssk pero buti nalang at naiba yung usapan hindi ko na masasabi sa kanilang dalawa yung first na yun.

"Pero girl ano nangyari pagkatapos dumating ng Savior mo?" biglang tanong ni Jane.

Anak ng tupa akala ko hindi na nila itatanong.

"Kailangan ko pa ba talagang ituloy?"

"Oo naman girl hindi mo pa nga sinasabi ang first na yun eh o baka naman may tinatago ka kaya ayaw mo sabihin yun Shine ahh."

"Wala kaya sige na itutuloy ko na."

"Game ituloy mo na!!"

Excited much? Tsssk! Kung hindi ko lang kaibigan tong mga to eh.

"Syempre nagpasalamat ako sa kanya kahit na napipilitan ako." ayoko nang ituloy nakakahiya.

"Yun lang yun nasaan ang first dun!?" sabay na sigaw nila.

"Yung....yung....yung first namin na nagkita hehe." shete naman oh sana maniwala sila.

"Wehhh? Eh bakit sinabi mo kanina na binlack mail ka nya? Ano yun ha alam namin meron pangkasunod yang kwento na yan."

"Kasi naman eh!! Ayoko na ituloy aasarin nyo ako eh!!" pahamak naman kasi yung unggoy na yun.

"Tuloy mo na promise hindi ka namin aasarin kahit ano pa yan di ba, Jane?"

"True ka dyan Gia!! So ano tuloy na?"

"Okay wait lang." huminga ako ng malalim at. "Kasiyunghininginyangrewardayyungfirstkissko!!" shittt!! Nakakahingal yun ahh.

"Ano ba yan masyadong mabilis Shine hindi namin naintindihan!!"

"Eh? Ayoko nang ulitin nakakahiya!!"

"Shine naman!!"

"Ehh kasi naman. Yung hiningi nyang reward yung first kiss ko." sabi ko pero binulong ko lang yung huling sentence.

"Masyado namang mahina!!"

"Ang sabi ko yung hiningi nyang reward ay yung first kiss ko!!"

UNFORGETTABLE FEELINGSWhere stories live. Discover now