CHAPTER 30: DESIRES

42 2 0
                                    

Shine's POV

"Kuya? Did you left these stuffs inside my room?" sabi ni Bella na dala ang paper bag na galing sa akin.

"Ah. Nakalimutan kong sabihin---"

"Thank you." pagpuputol ni Bella sa dapat na sasabihin ni Kuya.

"Bakit sa akin ka nagpapasalamat? Si Shine ang bumili nyan para sayo."

Tinuro ako ni Kuya kaya napatigil ako sa pagnguya dahil tumingin sa akin si Bella. Ang ngiti nya kanina ay nawala. Lumapit sya sa akin at inabot ang hawak nya.

"Thank you but I don't need these."

Nilapag nya yun sa lamesa tsaka ako tinalikuran. Napatingin ako sa paper bag tsaka mahinang natawa. Nilapag ko ang hawak kong kutsara bago lumingon kay Darwin.

"Nakita mo ba yun? Nagustuhan nya pero nang malaman nyang ako ang nagbigay ayaw na nya." ngumiti ako kahit na sa loob ko ay nasasaktan ako.

"That's okay, baby. What did I told you?" hinawakan nya ang pisngi ko at hinaplos yun ng marahan. "Don't push yourself to her. Wait for her to approach you with her true self. I'm here. I'm with you. I'll be with you in this fight."

"Okay. I'll wait. Kahit na gusto kong ngayon na kami magkasundo."

Tinuloy ko ang pagkain ko at hindi na inisip ang nangyari kanina. Matapos naming kumain ay umakyat na ako sa taas para itabi ang paper pag na dapat ay para kay Bella pero hindi nya tinanggap. Nilagay ko yun sa loob ng walk in closet katabi ng mga gamit na hindi ko pa nagagamit. Maaga pa at may pasok pa kami. Sabay na rin kaming papasok ni Darwin at ito ang magiging unang beses na papasok nya mula noong bumalik na sya.

Malapit na rin ang graduation namin. Maraming hahabulin na lessons si Darwin dahil mahigit dalawang buwan rin syang hindi pumasok. Nakarating kami sa campus dumiretso ako sa room habang sya ay sa faculty ang punta. Sinalubong naman agad ako ng mga kaibigan ko ng makapasok ako sa room.

"Si Dos? Papasok ba sya?"

Tumango ako bago sumagot. "Hmm. Nasa faculty sya. Alam nyo naman matagal syang hindi pumasok."

"Ahh," tumango tango si Dain tsaka nilapit ang bibig nya sa tenga ko para bumulong. "Ayos na kayo ng kambal mo?"

Napabuntong hininga ako sa tanong nya. Umupo ako sa pwesto ko tsaka umiling. Pangatlong araw pa lang nya sa bahay. Sa tingin ko ay matatagalan pa bago kami magkasundo ulit.

"Paano yan? Anong plano mo?"

"Hihintayin ko na lang na patawarin nya ako."

"Paano kung hindi ka nya kayang patawarin?"

Kahit si Dain ay yun rin ang iniisip. Paano nga kaya kung hindi na nya ako mapatawad? Masyado ko yata syang nasaktan noong iniwan ko sya sa mga taong yun. Mahirap ang naging buhay namin noong wala sya pero alam kong mas mahirap ang dinanas nya. Bilib nga ako sa kanya dahil nagawa nyang mabuhay. Gusto ko mang pasalamatan ang pamilyang kumupkop sa kanya ay hindi ko magawa dahil mortal na kaaway ko ang anak nilang si Kylie.

"Ang sabi ni Darwin ay lahat tayo ay pwedeng mapatawad kung talagang pinagsisihan na natin ang nagawa natin." ngumiti ako sa kanya.

Si Darwin na mismo ang nagsabi nun kaya naniniwala ako. Naniniwala akong mapapatawad nya rin ako.

"Anyare girl?"

Bungad agad ni Jane nang makapasok sa room. Kasunod nya na rin ang iba naming kaibigan.

"Wag mo ng tanungin. Alam mo namang nasaktan yan dahil sa hindi inaasahang pagdating ng kapatid nyang sobra ang arte." pagpapatigil ni Gia kay Jane.

UNFORGETTABLE FEELINGSWhere stories live. Discover now