CHAPTER 23: ALL ABOUT HER

43 1 0
                                    

Shine's POV

"Hoy! Madaya naman kayo eh!" sigaw ni Drake na nakapiring ang mga mata.

Sabado ngayon at napagpasyahan namin na magbonding dahil bukas stress na naman kami. Nasa tree house kami at naglalaro ng hide & seek.

"Third clap!" sigaw ulit ni Drake.

Lahat naman kami ang pumalakpak. Pinipigilang matawa dahil gumagapang na si Drake sa sahig.

"Bakit hindi ko kayo mahanap? Dinadaya nyo yata ako eh." sumimangot pa sya.

"Stand up, Drake." napatingin kami kay Darwin na nagsalita. "Step forward. Go to your right. Then left. And guess who's the person lying on the bed." ngumisi lang si Darwin kahit na nag-middle finger sa kanya si Dain na tinuro nya.

"Teka lang. Sino ba to?" tanong ni Drake na kinakapa na ang mukha ni Dain. "Ahh si Dain!" sigaw nya at tinanggal ang piring sa mata.

Si Dain naman ay sumimangot lang. "Madaya si Dos. Ako talaga ang tinuro."

"Kalahating oras yata akong nakapiring ah. Grabe kaya naman pala hindi ko kayo mahanap. Kanya kanya kayong akyat sa matataas." tumatawang sabi ni Drake na nakatingin sa amin.

"Ako ang taya. Anong sunod na laro?"

"Habulan! Sa baba na tayo." sagot ni Ken kay Dain.

"Daming alam na laro ni Ken ah. Hindi ko yata naranasan to noong bata ako." nakangiti si Gael habang nakatingin kay Ken na patakbong bumababa sa hagdan.

"Same." sangayon naming lahat.

Nasabi nga sa amin ni Ken na sa probinsya sya lumaki. Doon sa lolo at lola nya. Mayaman sila Ken pero gusto ng lolo at lola nya na mamuhay ng simple kaya naranasan nya ang mga ito.

Nakakapanghinayang lang kasi kaming pito ay hindi naranasan to. Namulat kasi kami sa mundo na may gintong kutsara na na nakasubo. Nakukuha ang lahat ng gusto pero ang makapaglaro sa labas kasama ng ibang mga bata ay hindi.

"Ayan na si Dain!"

"Takbo bilis!"

"Hoy! Bakit ako hinahabol mo?"

"Waaahhh! Girl tulong si Dain!"

Tawa ako ng tawa habang naghahabulan kami. Si Dain pa rin ang taya dahil wala syang maabutan sa amin. Magkahawak kamay kami ni Darwin na tumatakbo pero paminsan minsan ay humihiwalay ako dahil mas mabagal syang tumakbo kaysa sa akin.

"Fuck you, Uno! Don't chase me!"

Tumatawang iniwan ko ulit si Darwin na hinabol na ngayon ni Dain.

"Tinuro mo ako kanina kay Drake. Kaya ikaw ang hahabulin ko ngayon. Run fast, Dos. Here I come!" sigaw ni Dain tsaka mas binilisan pa ang takbo.

"Fuck you to death, Uno!"

Umupo ako sa ilalim ng puno kasama ang iba naming kaibigan na tumatawa at pinapanood na habulin ni Dain si Darwin.

"They look cute."

"Sila talaga ang naging mas close kahit na pinagaagawan ka dati no?" sabi ni Jane na narinig pala ang binulong ko.

"Darwin and Dain are becoming best of friends."

Tumango si Jane. "Kahit madalas mag-away ang dalawa. Alam kong nag-aalala pa rin sila sa isa't isa."

"Ang tagal ng duo. Kanina pa naghahabulan. Hindi man lang nila napansin na nagpapahinga na tayo." sabi ni Drake tsaka malakas na tumawa.

"Puro na tayo pawis." inamoy pa ni Gael ang sarili.

UNFORGETTABLE FEELINGSWhere stories live. Discover now