CHAPTER 17: GOOD DAY OR BAD DAY?

47 2 1
                                    

Shine's POV

Pagkatapos ng date namin ni Darwin kahapon ay agad nya rin akong hinatid sa bahay. Noong una ay ayaw pa nyang umuwi pero pumayag rin agad dahil alas diyes na ng gabi. Gusto kong ganito kami ni Darwin. Mahal na mahal ang isa't isa at hindi nagtatago ng sekreto. Dahil sa pagsabi nya sa akin ng tungkol kay Ellie ay mas minahal ko pa sya. Sya yung lalaking talaga namang sasabihin lahat ng tungkol sa kanya.

"Kahit yata nunal sa katawan eh haha!!"

Mabilis na natakip ko ang kamay ko sa bibig ko. Kasalukuyan kasi kaming kumakain ng almusal.

'Sheetttt nakalimutan ko na kasama ko pala sila Papa'

"Ano bang sinasabi mo dyan anak? Napansin ko kanina ka pa nakangiti dyan at sumigaw ka pa talaga sa harap ng pagkain. Alam mong mali ang ugali na yan anak." pangangaral sa akin ni Papa.

"Sorry po." tanging sabi ko na lang at bumalik na sa pagkain.

Mabilis din na tinapos ko ang pagkain ko at inaya na si Kuya na pumasok. Kung itatanong nyo kung bakit hindi ko kasabay si Darwin sa pagpasok ngayon ay dahil sasabay daw sa kanya si Kuya Darylle. Inis nga sya dahil hindi na daw kami nagkasabay. Panigurado ay nagbabangayan na ang dalawang yun.

"Nandito na tayo, Little Sis." nilingon ko si Kuya na nakatingin pa rin sa daan dahil inaayos nya ang pagkakapark ng kotse.

Hindi ko man lang napansin na nandito na kami. Puro kasi si Darwin ang nasa isip mo Shine!! Umayos ka nga magkikita naman kayo mamaya eh.

"Baba na, Little sis. Mukhang may sundo ka eh." sabi ni Kuya na may inginuso pa.

Sinundan ko ang inginuso nyang yun at nakita ko si Darwin na nakasandal sa kotse nya at nakatingin sa gawi namin. Nakangiti akong humarap ulit kay Kuya.

"Una na ako Kuya. Bye!!" saad ko niyakap sya at bumaba.

Hindi mawala ang ngiti kong tumakbo papunta kay Darwin. At ganon din naman sya sa akin.

"Good morning, Baby." bati nya sa akin.

"Good morning, Love. Kanina ka pa dito?" tanong ko sa kanya.

"Mas nauna pa kayo dito. Kadarating ko lang din sadyang matagal lang magpark ang Kuya mo. Ang hinayupak ko kasing kapatid ang bagal kumilos." sabi nya na lumapit sa akin at umakbay.

Nagsimula kaming maglakad at katulad ng inaasahan ang daming nakatingin sa amin.

"Halika nga dito." hinila nya ako at niyakap. Yung mukha ko ay nakabaon sa dibdib nya.

"Ano ka ba naman. Mahirap maglakad ng ganito tayo." hirap na sabi ko habang pilit na itinitingala sa kanya ang mukha ko pero nakahawak sya na ulo ko.

"Maraming nakatingin sayo, Baby. Gusto ko ako lang ang makakakita ng mukha mo." sabi nya na lumilinga-linga pa sa paligid.

"Alam mo ang praning mo masyado. Nakatingin lang naman sila eh. Yung mga babae nga nakatingin rin sayo. Nahihirapan po akong maglakad." sabi ko sa kanya. Doon naman nya tinanggal ang pagkakayakap sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Ito na lang ang gagawin ko." nakangiting sabi nya. Kaya HHWW ang ganap namin.

Nakarating kami sa room at tulad ng nakagawian nagkwentuhan kaming magkakaibigan habang wala pa ang professor.

"Masakit yun bro!! Masampal ka ba naman ng sobrang lakas hahahaha!!" kwento ni Gael tungkol kay Drake dahil kahapon daw ay may tumawag sa kanya na babae at sinabing girlfriend nya ito pero tumanggi si Drake at sinabi na hindi nya yun kilala. Kaya ang nangyari isang sampal ang ibinigay ng babae.

UNFORGETTABLE FEELINGSWhere stories live. Discover now