CHAPTER 8: I LOVE YOU, DAIN

111 7 1
                                    

Shine POV

Alas sais palang ng umaga ay gising na ako. Gusto ko na kasi talagang makita si Dain. Pero mas excited ako bukas kasi birthday ko na at magbibigay na sya ng regalo sa akin. Ano kaya regalo nya sa akin? Ahm? Cellphone? Hindi eh marami akong pambili ng cellphone. Bag? Parang hindi marami akong stock eh alam naman nya siguro yun kasi kinakausap nya sila Jane at Gia. Baka naman----Ano ba yan wala na akong maisip. Sana umuwi nalang sya para mas masaya. Bago mag tanghalian tinawagan ko si Jane sa kanya daw kasi makikipag-Skype si Dain at si Gia ang pupunta sa mansyon nila. Kaya si Jane ang kailangan kong tawagan. Kaya lang ang naging topic ng pagtawag ko sa kanya ay tungkol sa hottie at gwapong lalaki na nakabunggo nya sa campus.

[God!! Shine, alam mo kung nakita mo lang sya kahapon sa sobrang gwapo ipagpapalit mo si Dain para lang sa kanya. Kyaahhh!! Grabe talaga!! Makalaglag panty pa sa sobrang hot!! Kung sya siguro maging first boyfriend ko? Ako na ang pinakaswerteng babae sa buong mundo sasagutin ko sya kaagad kapag niligawan nya ako!!] yan ang ulit ulit nyang sinasabi sa akin para nga syang tanga na ulit ulit lang sinasabi. Gwapo daw yung lalaki tsaka hot tapos gwapo tapos hot ulit lang ng ulit grabe nakakairita na talaga.

[Hoy babae!! Nakikinig ka ba? Kanina pa ako nagsasalita dito tapos ikaw wala pang sinasabi kahit isang salita.]

"Paano naman po kasi ako makakapagsalita? Kapag sinusubukan kong mag-react sa sinasabi mo bigla ka namang tumitili o kaya naman ay sasabihin mo ng ulit kung gaano kagwapo at ka-hot ang lalaking nakabunggo mo kahapon. Ngayon sabihin mo. Paano ako magsasalita aber?" ilang segundo rin kaming natahimik at sabay na tumawa.

[Hahaha!! Sorry girl nadala lang ako sa pagsabi kung anong itsura ng lalaki kahapon. Super kasi ang kagwapuhan eh hindi ko na maalis sa isip ko yung mukha nya.] kahit gaano pa naman kagwapo yang sinasabi ni Jane mas gwapo pa rin si Dain eh.

"Alam mo Jane na hindi lang yan ang unang lalaki na hindi mawala sa isip mo. Halos araw araw yata napapalitan yan makakita ka lang ng mas gwapo at hot." totoo yun hindi ba nasabi ko na yang babae na yan ay magaling sa boy huntings. "Jane itatanong ko ulit ahh? Kanina ko pa kasi tinatanong to. Anong oras ba ako pupunta dyan sa mansyon nyo? Para naman makapaghanda ako at hahanap pa ako ng susuoting damit." sunod na sabi ko.

[Ahm? Ikaw bahala. Pero mag-ayos ka ah. Kahit yang mukha mo lang para naman gumanda ka sa paningin ni My Loves mo. Alam kong hindi ka mahilig mag-make up pero ngayong Sabado lang maglagay ka kahit konti lang, okay?]

"Kailangan pa bang mag-make up. Hindi ba pwedeng magdamit nalang ako ng maganda?"

Hindi naman kasi ako tulad ng mga ibang babae na sobrang kapal kung mag-lagay ng make up. Nagmumukaha na nga silang mga clown pero wala silang pakialam. Hindi rin naman ako yung klase ng babae na nagsusuot ng mga maikling damit na ginagamit nila para manlandi ng mga lalaki. Tapos kulang nalang maghubad sila sa sobrang ikli gustong gusto nila na pinapakita ang kaloob-looban nila.

[Gaga!! Damit ang inaalala mo eh hindi naman kayo sa personal mag-uusap. Hello!! Sa laptop lang kayo mag-uusap kaya yang mukha mo lang ang makikita nya. Oh sya magbihis ka na at pumunta dito ako nalang ang mag-aayos sayo, okay? Kumusta na nga pala ang alaga mong unggoy? Nakausap mo na ba? Anong sabi? Bakit daw nag-walk out ang unggoy?]

"Hindi ko pa nakakausap hindi ko pa rin kasi alam ang rason kung bakit sya umalis kahapon naguilty tuloy ako kasi parang ako ang dahilan kung bakit hindi sya nakapag-quiz. Siguro bukas ko nalang sya kakausapin. Iisipin ko muna kung ano yung nasabi kong mali kaha--" gulat na napatingin ako sa cellphone ko nang biglang naputol ang linya.

Pinatay agad ang tawag? Baliw yata ang babaeng yun nagtanong tapos pinatay.

Nagtanong lang naman kasi sya sa akin kung ano ang gusto kong regalo. Syempre sinagot ko. Kaso nga lang parang mali yata ang mga sinabi ko kahapon. Paano naman kasi syang magagalit eh sinabi ko lang naman ang gusto ko? Posible kayang nagalit sya kasi nagselos sya kay Dain? Kaya ba sya nautal nung tinanong nya kung anong meron kay Dain? Aish! Wag kang masyadong assuming Shine paano naman syang magseselos eh wala naman syang gusto sayo at tsaka wag mo nang isipin yan baka bigla lang sumakit ang ulo nya kaya umalis na sya. Hays ewan ano ba kasi ang problema ng unggoy na yun nakakaguilty kasi eh. Wag mo na ngang sisihin ang sarili mo Shine sya ang may kasalanan kung bakit hindi sya nakapag-quiz umalis alis kasi sya kaya kasalanan nya yun, okay? Ano ba yan para naman akong baliw na kinakausap ang sarili ko dito. Hayaan ko na nga lang aang unggoy na yun para wala ng sakit sa ulo.

UNFORGETTABLE FEELINGSWhere stories live. Discover now