CHAPTER 22: BITCH V.S BITCH

36 3 0
                                    

Dedicated to my friends: _M1LKYW4Y_, k_fumikage and Princeofstupidity

Shine's POV

Parang kahapon lang ay nagcecelebrate kami ng second monthsary namin tapos ngayon dinaig ko pa yata tambay sa kanto kung makipag-away.

"You bitch! Akala mo ba nakalimutan ko na ang ginawa mong pagpapahiya sa akin?!" malakas na sigaw ni Kylie.

Sino pa nga ba ang mahilig mag-eskandalo? Wala ng iba maliban kay Kylie. Si Kylie Santos na walang binatbat sa isang Shine De Guzman.

"At baka akala mo ay nakalimutan ko na rin ang pagtapon mo ng juice sa akin kanina lang?" tiningnan ko sya ng masama. "Hindi mo pa rin talaga ako kilala, Kylie. Nagtitimpi lang talaga ako sayo eh. Ang kaso sumosobra ka na."

Hanggang ngayon ay basa pa rin ako. Tinapunan ba naman ako ng juice ng  babaitang to! Isa pa talaga at gagantihan ko na tong imapaktang laging makati ang mani! Nakakairita yung pagmumukha nya!

"Kilala kita, Shine. Ikaw ang babaeng malandi! Lahat na lang ng natitipuhan ko inaagaw mo!" sabi nya na nanlilisik ang mga mata.

Dinuro pa talaga ako. Lakas ng tama amp. Napahawak na lang ako sa noo ko. Hirap namang magpaliwanag sa bobita. Ubos na laway mo hindi pa naiintindihan.

"Una sa lahat, Kylie. Hindi ko sila inaagaw. Pangalawa, hindi ko nga alam kung sino ang mga may gusto sa akin tapos sasabihin mong inaagaw ko sila?! Pangatlo, hindi ko kasalanan na maganda ako at nagugustuhan nila ako." ilang beses ko na nga bang pinaliwanag to? Baka tapos na ang lunch pero ang away namin hindi pa.

"Inagaw mo sakin si Jack! Dahil sayo naghiwalay kami! Malandi kang babae ka!"

Ha! Sinisi pa ako! Grabe namang babae to. Hindi ko nga kilala yang Jack na yan eh. Sino ba yun? Si Jack Frost?

"Wag mo nga akong tawaging malandi. Dahil wala akong inagaw sayo. At kung may malandi man dito ikaw yun. Dakilang malandi ka nga di ba?" hindi na talaga ako magtitimpi sayo! Lalaban ako.

Naghiyawan ang mga estudyante sa paligid namin. Walang may lakas ng loob na umawat dahil ayaw nilang madamay. Wala si Darwin ngayon. Tinawagan sya ng Dad nya emergency daw. Yung mga boys naman ay magkakasama tinutulungan si Gael na kumuha ng libro sa library para sa research na gagawin namin.

"Argh!! Ellie! Do it now!"

Napakunot ang noo ko dahil sa pagsigaw nya. Kasabay ng paglingon ko kay Ellie ay ang pagtama ng spaghetti sa mukha ko.

"Oh my ghod, girl!" gulat na sigaw ni Jane.

May ibinato pa kasing itlog ang mga alipores ni Kylie. Si Cheshire at si Aera ang bumato nun sa akin na ngayon ay humahagalpak na ng tawa.

Apat laban sa isa. Patas na patas nga naman tsk!

"Wag kayong tatayo dyan." pagpipigil ko kaagad kila Gia at Jane nang makitang tatayo na sila sa upuan para sugurin ang grupo nila Kylie.

Hindi nakinig si Gia sa halip ay tumayo sya pero pinigilan ko sya sa kamay, "Girl ano ka ba naman. Hindi kami papayag na apihin ka ng mga yan no!"

"Hindi ako nagpapa-api. Binibigla nila ako eh." nakangising nilingon ko sila Kylie. "You want bitch versus bitch? Bring it on."

Lumapit ako sa kanila at pinagsasampal ang mga alipores nyang si Aera at Cheshire hanggang sa mapaupo. Si Kylie naman ay umaatras habang humahakbang ako ng mabagal papunta sa kanya. Hindi ko na ginalaw si Ellie kahit na sya ang nagtapon ng spaghetti sa akin. Palalampasin ko muna ang ginawa nya tutal ito ang unang beses na makikita nya akong ganito. Muli akong napangisi ng mapasandal si Kylie pader.

UNFORGETTABLE FEELINGSWhere stories live. Discover now