CHAPTER 11: TEDIOUS DAY

46 7 0
                                    

Darwin POV

I can smell trouble coming.

"D-Darwin, b-bakit mo ba kasi gi-ginawa yun? Siguradong kakalat na ang nangyaring 'to. Natatakot akong malaman ni Papa."

Ano ba tong gulo na pinasok ko? Gusto ko lang naman ipakita sa Dain na yun na akin lang si Shine. Hayst...ano ng gagawin ko? Ayokong maging usapan ng mga estudyante dito si Shine. Hindi ko hahayaang mangyari yun.

Nilibot ko ang paningin ko inaasahang may makita akong solusyon sa problemang 'to. Wala naman akong nakikita dito kung hindi ang mga istudyanteng takot dahil sa pagsigaw ko kanina. Teka--Oo tama yun nga kailangan kong sabihin sa kanila yun. Kailangan ko silang balaan sa ano mang gusto nilang gawin.

"Kayong lahat!!! Makinig kayo!! Kapag nakarinig ako ng mga salitang hindi maganda tungkol kay Shine. Talagang malilintikan kayo! Tandaan nyo ako ang makakalaban nyo sa oras na may makarating sa akin na masamang balita. Talagang lahat kayo hindi na makapag-aaral pa dito!! Naiintindihan nyo ba?!!" lahat sila ay tumango. Mabuti naman at nagkakaintindihan kaming lahat. Hindi lang kasi nila alam kung ano ang kaya kong gawin.

Hinawakan ko sa kamay si Shine at hinila palabas ng classroom. Nag-iinit lalo ang ulo ko sa mga nakikita kong mga babaeng nagbubulungan. Pupuntahan ko sana ang mga babae ng may pumigil sa akin.

"Huminahon ka, Darwin. Ayos lang naman ako at kaya ko tong harapin. Sanay na yata ako dito. Tsaka maliban kay Kylie ako ang isa pang bitch dito." nakikita ko nanaman ang mala anghel nyang ngiti. Wala na akong magagawa yun ang iniutos nya eh.

****

Shine POV

Natatakot ako sa kung ano man ang pwedeng mangyari ngayon. May pakiramdam kasi ako na may mangyayaring masama. Sa lagay ko pa ngayon na wala akong kasama siguradong ako nanaman ang pakay ng Kylie na 'to. Kanina pa kasi sya sumusunod sa akin. Ano ba ang tingin nya sa akin? Walang pakiramdam?

"Pwede ba!! Tumigil na kayo sa pagsunod sa akin. Kanina pa kayo ah!! Talaga bang iniinis nyo ako?" halos matawa ako ng makita ko ang mga itsura nila. Para silang nakakita ng multo.

"I-ikaw! Wag ka ngang nanggugulat!" nauutal na sabi ni Cheshire. Isa lang naman sa mga alipores nya.

"Papatayin mo ba kami sa gulat? Gosh! Kung sayo kaya namin gawin yun!!" at ang isa pang kasama nya. Ang super higad ng school, si Aera.

Tsk! Mga bitch talaga sila. Ako pa talaga ang sinisi nila. Kasalanan ko bang naiirita na ako sa pagsunod nila sa akin?

"Stop it girls. Wala kayong mapapala kung sisigawan nyo lang ang malanding yan. Mala anghel nga ang itsura may tinatago din palang kalandian." ano ba yan. Kung makasabi sya ng malandi parang sya naman hindi.

"Well...well...well, katulad nga ng sinabi ko kanina masyado kang malandi. Pati ba naman ang prince ko inagaw mo? Ano nga ba yun? Fiance? Duh! Kaya ko pang agawin yan. Mapaghihiwalay ko rin kayo. Sa akin lang si Darwin. Sa akin at hindi sayo tandaan mo yan." sabay hawak sa pisngi ko.  Masakit ang pagkakahawak nya pero hindi ko pinahalata.

Bakit kailangan pa nyang pisilin!! Kapag ako bumawi lang sa kanya matatanggal yang makapal na make up nyang pisngi.

Balak ko sanang tanggalin ang kamay nya pero hinawakan ng mga alipores nya ang kamay ko. Ano bang gagawin nila sa akin? May kasalanan ba ako? Nakakainis na ah.

Nanlaki naman ang mata ko nang bigla nya akong sinampal.

"B-bakit mo ako sinampal?!! Ang kapal naman ng muk--- mali. Makapal naman talaga yang mukha mo eh. Subuksubukan nyo pang lumapit sa akin tingnan lang natin kung anong mangyayari sa inyo. Baka nakakalimutan nyo ako ang Beast Princess dito. Hindi nyo pa ako kilala at sinasabi ko sa inyo wag nyo na akong kilalanin pa dahil walang makapagsasabi sa inyo kung sino talaga ako!!"

UNFORGETTABLE FEELINGSWhere stories live. Discover now