Chapter 3: Second Encounter

903 56 6
                                    

"Fate is playful so be ready."

A/N:
['Yung picture po sa taas 'yan po ang uniform nila pero ang pinagiba ay ang kulay. Dahil ang uniform ng MEU ay red ang kulay hehehe.]

----

Kyrielle PoV!

Napamulat ako ng mata dahil sa pagtama ng init sa aking mukha. Lumingon ako sa orasan malapit sa kama ko. 6:00 am.

Ah. Maaga pa. Tulog nga ulit ako.

I closed my eyes again but ng mapagtanto ko ang oras mabilis pa sa kidlat akong bumangon sa pagkakahiga. Tiningnan ko uli ang orasan. Baka kasi nahahallucinate lang ako. Pero totoo pala talaga. 6:02 am na nga.

Oh my god! 6:02 na agad ang bilis naman ng oras oh! 7:05am pa naman ang time ng first class ko. Baka malate kami nito. My god! Bakit kasi hindi ako nagising ng maaga. First day of school pa naman ngayon.

At lintik na pinsan kong 'yon di man lang ako ginising. Kung kailan kailangan kong gumising ng maaga. Hindi ako ginising. Tss! May tupak din talaga ang pinsan kong 'yon minsan. Hay nakuu!

Dali-dali ko na lang inayos ang higaan at kinuha ang towel na nakasabit then patakbo akong lumabas ng kwarto. Pagdaan ko sa may kusina. Nakita ko na nagluluto si Miles. Narinig ko pa ang pagbati niya sa akin ng 'good morning' at nagsabi rin siya ng 'gising ka na pala.'

Hindi ko na siya liningon pa dali-dali akong pumasok sa Cr at naligo ng madalian. After kung maligo dali-dali rin akong bumihis ng social at eleganteng pulang uniforme ng MEU. Prestigious at Elite kasi ang Monreal Empire University. Mayayaman kasi ang karamihan ang nagaaral doon at galing sa mga kilalang angkan sa buong bansa nahalo lang kaming mga scholars.

After kung magbihis at makapag-ayos lumabas na ako at pumunta sa mesa kung saan nakahanda na pala ang almusal. Nakita kong nakaupo na si Miles at ready ng kumain. Nakabihis na rin ito ng uniform. Umupo na rin ako sa harapan niyang upuan.

"Hoy, Miles! Bakit hindi mo ako ginising ng maaga."

Nagtatampong ani ko sa kanya. Ngumiti lang ang loka.

"Sorry naman. Ang himbing pa kasi ng tulog mo kanina, e. Baka kasi sabihin mo. Natutulog pa 'yong tao gigising na, kaya hindi muna kita ginising."

Aniya sabay sumubo.

Tingnan mo nga naman, oh! Ngayon niya pa yan naiisip, eh kahapon nga halos masuka na ako sa pagyugyug effect nya para magising niya lang ako. Tapos ngayon hinayaan niya lang akong matulog at magising ng tanghali.

Porket pala 7:15 pa ang first class nito.

Napapailing na lang akong kumuha ng pagkain. Bibilisan ko na lang na kumain para hindi ako malate. Susubo na sana ako ng bigla itong nagsalita.

"Sa totoo lang, hindi pa tayo malalate. Medyo maaga pa kaya."

Muli akong tumingin dito dahil sa sinabi niya. Nakangiti lang ito sa akin.

"Anong medyo maaga pa. Adik ka ba? Eh, 6:25 na kaya ng tignan ko 'yong orasan doon sa kwarto ko bago ako lumabas. Ako, Miles pinagluluko mo!"

Hindi ko maiwasan mainis sa kanya.

Pano ba naman! Ang lakas ng trip niya.

"Sa kwarto mo lang 'yon," aniya.

[Monreal Cousins Series #1]: Dating SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon