Chapter 9: Acting

741 53 16
                                    


A/N:
Good evening guys, iyan pong nasa taas ang uniform nila sa El Aroma Cafe hehehe...

–———————

Kyrielle PoV!

"Oh, bakit ganyan ang mukha mo? Hindi maipinta. Kanina ka pa ganyan. Ano na naman ba ang ginawa sa'yo si Summer?" pagtatanong ni Miles ng mapansin na hindi maipinta ang mukha ko.

Kanina kasing lunch ay hindi kami nagkita dahil may ginawa ito. Nagkita lang ulit kami nung mag-uwian. Pareho kaming two class lang ngayong hapon may meeting kasi 'yung meeting kasi 'yung ibang teachers dahil don ay maaga kaming umuwi.

Kasalukuyan kaming nandidito sa locker room ng El Aroma Cafe, nagaayos ng sarili para magtrabaho ulit as waitress.

Nagpakawala muna ako ng buntong-hininga bago sumagot sa kanya.

"Nang dahil sa kanya napagalitan lang naman ako ni Mrs. Salmentar at ang masaklap pa ay hindi ako nakapag-take ng exam dahil sa mga ginawa niyang pangiinis sa akin. At nagawa niya pa nalagyan ng black ink ang upuan ko at ako naman si tanga hindi ko man lang tiningnan ang upuan ko bago ako umupo. Kaasar talaga ang Summer na 'yon! I really hate her!"

Himig talaga ang inis at galit sa boses ko habang sinasabi ko ang mga 'yon.

Naiinis at galit talaga ako sa babaeng 'yon!

"Kayong dalawa! Bilisan ninyo na ang pagaayos diyan! Malapit ng magsimula ang trabaho. Nagagawa niyo pang magkwentohan. Bilisan niyo na nga!" Pareho kaming natigilan ng marinig namin ang boses ni Ma'am Jewel ang striktong supporting manager ng Cafe.

Lumingon kami dito. Halatang galit ang expression ng mukha nito.

"Opo ma'am!" sabay naman naming sagot ni Miles. Sinungutan lang kami nito at umalis na.

Mabuti naman! Nakakakaba kasi kapag nasa palagid ito.

"Ang sungit talaga ni Ma'am Jewel! Akala mo naman kung ikinaganda niya. Hmp!" Narinig ko naman pagrereklamo ni Miles at kita ang inis sa mukha nito.

Bahagya naman akong natawa dahil sa sinabi niya.

Nagulat ako ng biglang lumapit sa amin si Leah isa rin waitress tulad namin. Maganda rin ito at ang sexy ng pangangatawan. Mabait na, palangiti pa. Ang sipag niya din pala!

"Hey, pagpasensyahan nyo na si Ma'am Jewel ganoon talaga 'yon. Hindi na kasi nakaroon ng asawa kaya 'yon tumandang dalaga." nakangiti nitong salaysay.

Nakalimutan ko palang sabihin na medyo madaldal ang babaeng 'to hehehe

Napatango-tango ako sa nalaman.

Ahh kaya pala masungit dahil matandang dalaga. Kaya ako magaasawa ko, ayaw kong tumandang dalaga sayang naman ng ganda ko hehe.

Pero syempre gusto ko 'yong makakasama ko sa buhay ay 'yong taong mahal na mahal ko. At 'yung taong hinding-hindi ako iiwan. 'Yung mamahalin din ako ng tunay at bubuo kami ng masayang pamilya.

"Ayos lang 'yon, Leah! Naiintindihan naman namin siya, di'ba, Miles?" Nakangiti ko naman sabi sa kanya sabay tingin kay Miles na seryoso ang mukha.

"A-ahh, oo!" pag-sangayon naman sa sinabi ko.

Nakita kong napangiti naman ito.

"Nabalitaan ko, mamaya pupunta daw dito si Kam--- I mean, si Ma'am Kamielle ang pamankin ng may-ari ng Cafe para bumisita."

[Monreal Cousins Series #1]: Dating SummerWo Geschichten leben. Entdecke jetzt