Chapter 5: Good Luck

735 47 12
                                    

"Let's the game of love begin."

Summer PoV!

"Nakarating na sa amin ang nangyari kanina sa cafeteria, Skye." narinig kong sabi ni Snow kaya napalingon ako sa kanya.

She's sitting in the couch right now habang nakadikwatro at cold na nakatingin sa akin. She's one of my six cousins. She's the stern and a cold one

Pero kahit na ganyan siya at ang tahimik nya sa klase, matalino siya. Sa aming magpipinsan siya ang pinakamatalino. Ang tataas ng mga grades niya sa lahat ng subjects.

Tulad ko hindi na rin ito pumasok sa first class nito this afternoon.

Kasalukuyang kaming nandito sa private room at nakapagpalit na rin ako ng uniform. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kanina.

That girl!

Nakakairita talaga sya. Pinapaiinit nya ang ulo at pinapakulo nya rin ang dugo ko.

Damn her. I freaking hate her.

"Ang lakas naman ng loob ng babaeng 'yon para banggain at subukan ka." komento nya.

'Sinabi mo pa.'

Yan sana ang gusto kong sabihin but hindi ko na itinuloy.

"Mukhang nahanap mo na ang katapat mo, Skye!" nakangisi namang wika ni Blaze. The talented, happy go lucky playgirl. She's also my cousin.

Natawa naman ako sa sinabi nya.

Katapat? 'Yong babaeng pipetchuging 'yon! Hahaha. Nakakatawa.

Oo, matapang siya but alam ko magiging mahina rin siya after kung maparamdam sa kanya ang galit at ganti ko.

"Huwag ka ngang magpatawa, Blaze! Hindi kasi nakakatawa." ani ko sabay irap sa kanya.

Tumawa lang ang loka.

Mukha yatang iniinis nya lang ako. Tss!

"Ano ang planong mo ngayon sa babaeng 'yon?" pagtatanong ni Rain. The Campus Prince Charming. Also known as the Charismatic Captain ball of Red Lion Warriors. MEU's basketball team.

Magaling kasi siyang maglaro ng basketball kahit saan niya pumwesto para i-shoot ang bola, pumapasok sa ring. Kaya tunay siyang magaling sa larangan ng basketball. Three pointer din nga siya eh!

Pero pagdating daw sa pagibig hindi daw siya maglalaro. Stick to one at loyal daw siya sa babaeng mamahalin niya 'yon ang sabi ni sa amin.

Ang nag-iisang pinsan kong lalaki na close ko. Sa aming anim na magpipinsan siya lang ang lalaki.

I look at him. He looks serious tulad ni Snow.

"As usual, I will punish her." I smirk after I said that.

"Anong klaseng parusa na man ang ibibigay mo sa kanya?" si Blaze na naman ang nagtanong.

Tinatanong pa ba 'yon?!

Tumayo ako sa pagkakaupo at humarap sa kanilang tatlo. A smirk form in my lips again.

"Papahirapan ko sya hanggang sa lumuhod sya at humingi ng tawad sa ginawa nya sa'kin o kaya para maisipan niyang umalis ng MEU. I think, may ideya na siguro kayo sa gagawin ko?"

[Monreal Cousins Series #1]: Dating SummerHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin