Chapter 13: Missing Summer

465 43 35
                                    

A/N:
Good day my dear readers! I'm really sorry if ngayon lang ulit ako naka-ud ng Dating Summer. Naging busy kasi ako hindi ko kayang pagsabayin yung mga gagawin tapos yung pagsusulat hehe... May mga binago ako sa chapter na 'to... Hope magustuhan n'yo hehehe

----------------------

Kyrielle PoV!

It's been 4 days since nung natrapped kami sa library. Nung nagising ako kinaumagahan wala na si Summer sa tabi at nakita kong nakabukas na rin ang pinto panigurado lumabas na si Summer, iniwan niya na ako, ni hindi man lang ako ginising o nagpaalam man lang. Bago pa ako makalabas sa gate nung araw na 'yon tinawag ako ng guard at may ibinagay sa'king paper bag na may lamang pagkain pinapabigay daw ito kay Summer kaya kahit nagtataka ay abot-tenga ang naging ngiti ko habang kinuha ito dito.

Akala ko talaga 'yung kabaitan ni Summer ay for that night only hanggang kinabukasan din pala.

Speaking of her.

Dalawang araw ko na siyang hindi nakikita.

Nasaan kaya siya?

Ano kaya ang nangyari sa kanya?

May masama bang nangyari sa kanya?

Teka! Bakit iniisip ko siya? At bakit nagaalala ako sa kanya?

Di'ba, dapat masaya ako dahil walang bitch na demonyita ang umaaligid. At di'ba gusto ko 'to ang wala siya para wala ng mangiinis sa akin. Pero bakit ganito kahit marami siyang kasalanan sa akin hindi ko maiwasang mamiss siya.

Siguro dahil nasanay ako na nasa paligid siya at nagpaparamdam.

"Hey, Ella, Ayos ka lang ba? Bakit hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo?" Narinig kong tanong ni Miles.

Napalingon ako sa kanya na ngayon ay nakatingin ng may pagtataka sa akin.

"Ayos lang ako, may iniisip lang." I said to her sabay ngiti sa kanya. Nakangiti naman siyang napatango at hindi na muling nagtanong.

Napatingin ako sa table ng Monreal Cousins o mas kilala as The Campus Royalties of MEU, which is nasa gitna. Naroon ang tatlong magpipinsan kasama ang bestfriend ni Summer. Siya lang talaga ang wala.

Mahirap man aminin, but I think I'm miss her!

Nasaan ka ba kasi Summer? Bakit namimiss kita? Bakit nagiging ganito ako? May spell ka bang inilagay sa akin ng gabing 'yon?

Napailing na lang ako sa kawalan dahil sa walang kwenta ang iniisip ko. Sinimulan ko na lang galawin ang pagkain ko. Baka gutom lang 'to!

-----

Hindi nagtagal ay natapos na ang dalawang afternoon classes ko bali tatlo ang afternoon classes pero dahil wala 'yong professor namin at walang nakuhang substitute maaga ang uwian namin ngayon.

Pagkaayos ko ng aking gamit lumabas na ako sa classroom.

Habang naglalakad ako sa hallway ay nakita ko na pinagtitinginan ako ng mga estudyante ang iba nga ay tinatawanan pa ako.

Hinayaan ko na lang sila at nagpatuloy sa paglalakad.

Kahit wala kasi si Summer hindi pa rin natigil ang pambubully sa'kin ng mga mababait kong schoolmates. Ginagawa pa rin nila ako katawa-tawa. Mukhang hindi na babalik pa sa dati ang buhay ko. Mukhang hindi na magiging tahimik ang mundo ko. Pero hindi na ganoon karami ang mga nambubully hindi na katulad ng dati pero mas mabuti na nga rin 'yon.

[Monreal Cousins Series #1]: Dating SummerWo Geschichten leben. Entdecke jetzt