Chapter 15: Locked

526 35 36
                                    


Kyrielle PoV!

Kasalukuyan akong nakaupo dito sa seat ko sa class kung saan classmates kami ni Summer at magkatabi pa talaga kami. Nagrereview ako para sa long test namin may natitirang oras pa naman. Bago ko ibigay 'yung notebook ko kahapon kay Summer. Isinulat ko muna sa notepad ko 'yung lahat ng lessons namin. I summarized it na lang para madali kong makuha at matandaan.

Matalino ako pero hindi naman ako genius na kapag tiningnan ko ang notes ay tanda ko kaagad ang mga nakasulat.

Tiningnan ko ang mga kaklase ko. Tulad ko busy din ang mga kaklase ko sa pagrereview.

Biglang pumasok sa isip ko si Summer.

Sana nakareview si Summer kahit kaonti. Sayang naman kasi 'yung points sa kada tamang sagot. Alam ko na matalino din si Summer pero kailangan pa rin niyang magreview.

Kaninang umaga nabalitaan ko na pumasok na si Summer. Mukhang okay na siya. Nang malaman ko 'yon ewan ko bigla na lang akong natuwa ng sobra at parang naexcite pa ako na makita siya pero hindi ko pa siya nakikita mula kaninang umaga.

Pero panigurado makikita ko na siya ngayon dahil sa classmates kami sa class na ito at katabi ko pa siya.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagreview ng mga lessons namin kahit medyo maingay ay pinipilit kong mag-focus sa pagrereview at iwaksi muna si Summer sa isipan ko.

Maya-maya ay biglang tumahimik ang paligid kaya natigilan ako sa ginagawa.

Alam ko kapag ganito ang eksena.

Dumating na siya. Dumating na si Summer.

May narinig akong mga yabag papalapit sa kinauupuan ko. Hinayaan ko lang ito at hindi na tiningnan kung sino.

Dahil alam ko naman kung sino ito.

Tumigil ito sa may harapan ko.

"Thank you sa pagpapahiram ng notebook mo sa akin. I appreciated it. Don't worry kahit medyo masakit pa ang ulo ko, nagreview pa rin ako." I heard she said at napansin ko na inabot niya sa akin ang notebook ko.

Lihim akong napangiti.

Si Summer nga!

Umangat na ako ng tingin at tiningnan siya.

Bumungad sa akin ang maganda niyang mukha na may slight na ngiti sa labi.

Ayos na 'yon kahit slight lang ang ngiti niya atleast nakangiti siya, hindi siya nakangisi.

Nakangiti ko naman itong kinuha sa kanya.

"Walang anuman. Masaya ako na nakareview ka at okay ka na." I said to her habang may ngiti sa labi.

"Thanks to you."

She said then umupo na sa katabi ko na upuan.

Salamat sa akin?! Mukhang iyon na ang pasasalamat niya sa akin sa pagalaga ko sa kanya kahapon.

Inalis ko na ang tingin kay Summer baka ano pa isipin niya tungkol sa akin.

Sinabi kaya lahat ni Manang Sabel 'yung mga ginawa ko kay Summer. Baka siguro! Eh, di alam ni Summer lahat ng ginagawa ko kahit 'yung pagpunas ko sa kanya bigla akong nakaramdaman ng hiya at pamumula dahil sa bigla kong naalala 'yung eksena na 'yon kahapon. Nakakahiya 'yon pero hindi niya naman alam siguro dahil tulog siya at mukhang hindi niya naman ako nakita na pinunasan ko 'yung dibdib at flat stomach niya.

Napansin ko na nagtaka lahat ng kaklase ko dahil sa nasaksihan nila. Hindi kasi kami nagaaway. Maayos ang paguusap namin.

Nanibago yata sila.

[Monreal Cousins Series #1]: Dating SummerWhere stories live. Discover now