Chapter 30: Torn up

168 4 0
                                    

Torn up

Maxinne's POV

"Everything is one thousand two hundred ma'am." Naka ngiting sabi ng cashier. Iniabot ko dito ang cash saka lumabas ng grocery store bitbit ang pinamili ko. Last night, napaug usapan namin na hindi niya ako masusundo as he wasn't able to pick me up dahil sa sunod sunod na meeting niya. He send me the exact address of his house para ako na mismo ang pumunta mag isa.

I want to cook something for him para mapag saluhan namin mamaya. I wanted to give this relationship a chance. I want to prove to him that I'm worthy of his love that  I am not his ex girlfriend. There's no way I'm going to leave him alone Katulad ng ginawa ni Zienna.

Malawak ang ngiti ko habang palabas ng grocery store. Iniisip ko pa lang ang mga lulutuin ko ay natutuwa na agad ako. Alam kong gusto ni Blake ang mga luto ko and that made my heart feels so much joy.

Nawala ang ngiti ko ng makasalubong ang isa sa mga ayaw kong maka salubong. Naglalaro ang tadhana at kami ang napiling paglaruan. Sa dami rami ng pwedeng maka salubong eh yun pang hindi mo gustong maka salubong. Totoo nga, maliit lang ang mundo.

"Wow. Small world isn't?" Naka ngiting bati ko dito. "It's nice to see you again Zienna."

"Please don't start a fight here." Seryosong sabi nito.

"I'm not starting a fight I just want to say Hi to you coz it's really good to see you again." Nginitian ko ito ng matamis. Pero hinawakan ako nito sa braso. "Remember the last time we see each other here? Do you still remember?"

"Stop provoking me Maxinne."

"I'm not provoking you."

"Oh really?"

"Yes. At kung yan ang naiisip mo. It's all up to you."

Tumalikod na ako dito dahil nasira na ang mood ko.

"I love Jacob and I will get him back."

"Try it then." I gave her a boring look. I really don't want to fight her. Hinablot into ang braso ko ng mahigpit.

"Do you think it's that easy to get rid of me?" I'm pretty sure that it will leave a bruise dahil sa higpit ng hawak nito sa braso ko. "He. Is. Mine. At gagawin ko ang lahat para bumalik siya sakin. We both deserve a second chance and besides I'm his first love. Ako muna bago ikaw." Mariin nitong sabi sakin.

Tumayo ako ng maayos saka nagsalita. Pagod na pagod na kong pigilan ang pasensya ko sa babaing ito.

"Are you done talking? Kung tapos ka na just let me go. Wala akong oras para sayo okay? I'm busy preparing something for my Boyfriend. And if you really want to get him back, so be it. Hindi naman ako natatakot sayo. You think you deserve a second chance? Go and find your little chance. Honestly, you look pathetic desperate ex girlfriend." Hindi ko na ito inantay sumagot at naglakad na patungo ng sasakyan kong naka park.

That girl is crazy! I pity her for being like that. Nag aaway kami sa iisang lalaki lang. Nakaramdam ako ng takot dahil sa sinabi nito. I don't want to get hurt again, I love Blake so much at Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling mawala ito sakin.

***

"What took you so long?" Reklamo ni Mika, naka upo ito sa sofa at busy habang nanonood sa TV ng isang cooking show. Kagagaling lang nito sa sariling restaurant at kahit pa alam kong malaki ang abalang naidulot ko dito ay naglakas loob na ako. Pinapunta ko ito sa bahay para matulungan akong mag handa ng pagkain para mamaya. I want this day to be special. Gusto kong iparamdam kay Blake how much I love him and how much I want to give all of me to him.

Love Of A Lifetime ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon