Chapter 20 : Exhibit

209 5 0
                                    

Exhibit

Maxinne's POV

It's the next day, one o'clock ng tanghali pa lang ay nag handa na ako dahil bibisita ang kumpanya namin sa isang Painting Exhibit as a reward for receiving good feedbacks from our clients . Balita ko pa ang may ari ng exhibit na iyon ay kaibigang matalik ng Boss namin pero ang may gawa ng paintings ay ang anak nito.

Hindi ako fan ng paintings pero somehow gusto kong malaman ang mga stories behind every paintings. Siguro kasi writer ako, mahilig sa stories kaya interesado ako kung san hinugot ang pagkakagawa ng mga ito. Some of paintings has a deep meanings like the paintings of Leonardo da vinci at iba pang artist. And everyone are still wondering what the Monalisa's painting really means up to this date.

Simpleng ayos lang ang ginawa ko sa sarili. Black high waist pants, white sleeveless, checkerd Blazer at black heels ang suot ko para maging formal at hindi rin masyadong corporate. Komportable din naman ako sa ganitong suot. Hindi naman ito Date kaya okay na yung ganitong outfit.

I was busy putting lipstick on ng mag ring ang phone ko and receive a call from Blake..

"Hi. Kamusta?" Bati Ko dito. Three days na mula ng huli kaming magkita at busy na ulit ito sa pag handle ng kompanya.

"I'm good. How bout you?" Tanong nito

"I'm good too. Anyway, aalis ako today. Our boss gave us a three days vacation leave. At  ang isang araw don pupunta kami ng painting exhibit then the two days left Bahala na kami sa buhay namin" naka tawang kwento ko dito.

"Painting Exhibit?"

"Uhm.. Yeah. Sounds very interesting and exciting cause never pa ko naka punta sa painting exhibit." This time sinusuklayan ko na ang buhok ko while holding my phone. "Why?" Tanong ko dito dahil para itong nagulat sa sinabi ko.

"Nothing.. Yayain Sana kita mag lunch. But it's okay next time na lang"

"I'm sorry. Don't worry babawi ako next time. I'll cook your favorite!" Masaya kong sabi dito. Paborito nito ang roasted chicken. Ewan ko ba pero gustong gusto nito ang luto ko. Kung ako kasi ang tatanungin hindi ako nasasarapan sa luto ko.

"Sure. I'll hang up na babe. Take care Ok? I love you"

"Sure babe. Bye" sabi ko saka ito binaba. Muli kong tinuon ang sarili sa pag aayos ng mag ring ulit ang phone ko.

Shaira calling..

"Hello?"

"Hey! Can I ask you a favor?" Maarte nitong tanong saken.

"What is it?"

"Can you please pick me up here? Hindi pa kasi nakaka balik si Britney galing car wash huhu i miss her so bad! I'll treat you na lang as a payment" Sabi into. Her car's name is britney.

"Whatever. Wait for me. I'm on my way." Saka kinuha ko ang bag.

"Yay! Thank you! Mwah!" masayang sabi nito.

"Okay. Bye."

Sumakay ako sa kotse papunta kay shaira. Hindi naman ganon kalayo ang bahay nila. Besides, hindi rin ganon katraffic kaya mabilis kong nasundo siya at naka dating sa gaganapan ng exhibit. Eksaktong 2:00 mag start at nakaratng kami 10 minutes before.

"Parang ang sosyal ng may ari" bulong nito saken. Halata nga, sa labas pa lang sasalubong na sayo ang mahabang red carpet at sa entrance ay nakalagay ang pulang ribbon at mukhang may ribbon cutting na magaganap, May mga media din. Hindi ko eksakto kilala ang may ari nito kaya wala akong idea kung anong impluwensiya nila.

Love Of A Lifetime ✔Where stories live. Discover now