Chapter 1: Accident

423 9 0
                                    


Accident

Maxinne's POV

"Then one day I realize.. Mahal pala talaga Kita. Forgive me. Ayaw kitang mawala.."

"Shit! This is Junk!" Sambit ko sabay himas sa magkabila kong sentido saka muling tinitigan ang laptop ko. Mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko saka naiinis itong binura.

3 days na kong ganito. Wala akong mahugot na magandang lines para sa story sa bagong project ng aming kumpanya. Forty days lang ang binigay ng boss namin sa amin para makagawa ng magandang story. Tandang tanda ko rin ng makipag talo ako dito sa pag gawa ng "Love story with a happy ending."

"Important project 'to guys. Big stars ang gaganap sa story na maisusulat niyo kung sino man ang mapili sa inyo. Ipapalabas ito in cinemas all over the Philippines, this is an opportunity para din makilala kayo as a writer. I demand a good script in forty days. Dismiss." Masungit na sabi ni Mr. Barrientos habang hinihimas himas ang sentido nito. Kasama kong naka tayo ang apat pang writer na napili para sa project na ito.

"But sir hindi naman po yan ang genre ko. Hindi naman po yata dapat na ipilit ko yung bagay na alam kong imposible kong magawa." Sabi ko.

"I don't care Ms. Quinto. gumawa ka ng paraan para makagawa ka ng story. It's time for you to get out of your comfort zone and try something."

"But sir-"

"Dismiss." Sabi nito saka humigop ng kape sa tasa niyang parang kasing laki ng takure. At yun, wala na nga akong nagawa kundi ang lumabas ng office nito at simulang mag imagine ng mag cheesy lines at corny punch lines para sa hinihingi nitong story.

Big actors and actress ang gaganap dito kaya hindi mo masisisi kung bakit humihingi ang boss ko ng pang malakasang story.

Pero mukhang nakatago pa yata ang utak ko at hindi pa ito nag fa-Function ng maayos. Writer ako. At hindi na bago sa akin ang ganitong eksena. Madalas napupuyat ako kakahanap ng magandang words and lines. I can't blame myself. Usually pag nagsusulat ako ng story, the themes and genres are about Fiction, Fantasy, Magical, Horror. Yung tipong hindi nag eexist?  Magaling ako mag visualize ng story when it comes to that themes. Basic. Just give me one week, matatapos ko agad Yan.

But this time, hindi iyan ang hinihingi sakin ng boss ko. He demands a Love story! A love story! Again, a freaking love story! and He only gives us forty days para matapos Ito.

Paano ako makakapag sulat ng Love story kung ako mismo, hindi pa naka experience ng love story. Alam kong kailangan ng feeling sa pag susulat pero paano ko naman iyon gagawin kung wala akong experience? Saang part ng mundo ko huhugutin ang hinihingi nilang love story?

I rolled my eyes. For Pete's sake! Im NBSB! As in no boyfriend since birth! No intimate scene with boys! Tell me, How do I write a love story?

At kung gumawa man ako ng love story, for sure papatayin ko lang din sa dulo ang bidang babae or lalake para di sila magka tuluyan- Perfect Ending! Don't get me wrong, Hindi ako bitter. I just hate Happy endings, when in fact not all love stories ay may Happy ending.

Minsan napapatanong ako kung hanggang saan ba ang pagkakaintindi ng mga tao sa "Love Story" at "Happy Ending"? Pwede din naman magka Happy ending ang mga Aliens diba? O di kaya Love story na pang out of this world? Yung tipong digmaan muna bago magkaroon ng totoong happy ending. That's how I define a love story. I write fictions at alam kong imagination lang lahat ang mga iyon. Imagination ko lang lahat pero mas magaan sila isulat kesa sa reality.

I sighed as I close my laptop. I think I should rest first then itutuloy ko na Lang ulit Mamaya. Baka sakaling may mahugot na ako.

Tumayo ako saka lumakad palabas. I grab my pouch and car keys then went outside my house, maybe to buy some stuff or baka sa pag lilibot ko makakuha ako ng bagong idea about love.

Habang nasa daan napag pasyahan Kong dumaan muna sa isang grocery. I was about to turn right ng masagi ng sasakyan ko ang isang lalaki.

"Oh My gosh!" Biglang sigaw ko. Saka Dali daling bumaba saka chineck ang lalaki. Naka upo Ito sa gilid habang may hawak na Cane. Shit Lang! Bulag ata itong nasanggi ko.

Lumabas ako para sana maghanap ng mahuhugot na magandang lines para sa story ko pero ito naman ang nangyare.

"I'm sorry." Sabi ko saka chineck ang lalaki. May galos ito sa braso, marahil nakuha nito nung napaupo siya sa gilid ng kalsada.

"Dadalhin kita sa Ospital." saka ito inalalayan pag tayo. Natataranta man ay pilit kong pinakalma ang sarili ko saka pinapasok ang lalaki sa loob ng sasakyan ko.

Hindi naman nag salita ang lalaki at para bang shock din sa mga nangyare. Nanginginig ang mga kamay nito habang hawak ang stick.

Ng makapasok ako sa loob ng sasakyan ay huminga muna ako ng malalim saka pinaandar ang sasakyan.

"I'm Sorry." Sabi ko ulit sa lalaki. Habang naka tungo aang Ito at mahigpit na naka hawak sa stick na dala dala.

"Hindi naman kasi kita napansin. Tsaka naka Go signal, biglang kang tatawid, hindi mo ba nakita yung stop light?" Tanong ko. Nasapo ko ang noo ko ng marealize ang sinabi ko. Funny. Bulag nga pala ito pano niya makikita ang stop light?

Ng makarating sa Hospital ay agad naman ginamot ang mga galos nito sa braso. Good thing, wala naman damage sa buto nito sa pagkaka bagsak.

Matapos kong mag bayad ng bill ay binalikan ko siya sa waiting area kung saan diretso itong naka upo.

"Hi. Uhm. Halika, ihahatid na kita sa inyo." Sabi ko saka inalalayan itong tumayo.

"Salamat nga pala sa pag tulong mo." Sabi nito na ikinatigil ko. My goodness! Ang ganda ng boses niya! I look straight to his eyes saka pinagmasdan Ito. Oo na. Gwapo na siya. Really, I'm attracted to him.

"Naku! ano ka ba kuya! Ako ang may atraso sayo kaya wag kang mag pasalamat!" Natatawang sabi ko saka nag lakad habang inaalalayan siya papasok sa sasakyan. "Saan ka ba nakatira? Ihahatid na kita sa inyo." Sabi ko saka inistart ang sasakyan.

"Wala akong bahay" sagot nito

"Oh. Uhm. You mean, sa kalsada ka lang natutulog?" Tanong ko. My God Maxinne! Of course sa kalsada lang siya natutulog, Wala ngang bahay eh. Stupid girl.

Pero mukhang hindi naman ito palaboy. Malinis naman ang damit nito. At syempre ang gwapo niya para maging palaboy. Anong ginagawa ko? Pinagsasamantalahan ko ang lalaking bulag?

Mag sasalita pa sana ako ng marinig ko Ang pag kulo ng sikmura ng lalaking katabi ko. Hindi ko napigilan tumawa ng makita ko Ang mabilis na paghawak ng lalaki sa tiyan nito

"Okay, saka na kita iinterviewhin. Kumain muna tayo." sabi ko dito.

Love Of A Lifetime ✔Where stories live. Discover now