Chapter 3: Meet my Guardian angel

255 118 3
                                    

Blash's POV

"Paano mo nakilala si Sappy, Xander?" tanong ni Kir kay Xander na may pananabik at pagkamangha.

"Paulit-ulit ka na ah, doon nga sa may kanto pinagtanggol niya ako sa mga mukhang goons na 'yun tsk," sagot naman ni Xander.

"Shit lang Xander, ang ganda niya!" ani Kir. Napalingon ako kay Kir dahil sa gulat. Ngayon lang siya naging interesado sa isang babae at naging hyper. Anong meron sa babaeng yun at nagkakaganyan siya?

"Anong ganda? Kulang ang salitang maganda sa kanya, goddess would fit perfectly." Tumango si Kir bilang pagsang-ayon.

"Nix, saan pupunta si Sappy?" tanong ni Axel sa isang lalaki na hindi ko kilala, transferee for sure. Si Axel ang nagtanong well, we all know na mapaglaro siya sa lahat na babaeng maganda.

Lumingon ito at halata naman ang sobrang pag-alala sa kanyang mga mata. Ngumiti si Nix kuno ng malamig at bumuntong hininga. Sandali nagdilim ang mukha nito at tumungo. Kita ko dito ang kanyang kamao na nanginginig.

"Sa Haven's daw," saad niya at naglabas ng cellphone, doon niya tinuon ang kaniyang atensyon. Have—

Sa Haven's?! Alam ba nila na delikado 'yun. Siya ang boyfriend niya pero pinabayaan niya itong mag-isa sa Haven's. Nagkakalat ang iba't-ibang uri ng organisasyon doon—tulad na lang ng mga reaper at assassins.

Kumunot ang ulo ko habang napaiiling na lang sa kanilang katangahan.

"Hindi ba papasok si Phire sa unang klase?" nag-alalang tanong ni Kir.

Seriously, who the hell is Sapphire, Sappy and Phire, I'm sure iisa lang yan sila. Is she our classmate or what? Lagi nilang bukang-bibig si Sapphire na 'yan, I'm curious what she looks like.

Madilim tiningnan nung Nix si Kir, pero nawala din saglit. "Oh that, a-actually I don't know. I don't know what's in her head and I don't want to know," malamig na saad ni Nix. May tinitipa siya sa screen ng kanyang cellphone at seryosong nakatitig doon.

Nagkaroon ng katahimikan bago pumasok ang unang guro para sa araw na ito. Si Mr. Dela Cruz, ang Math teacher namin. Ke aga-aga, MATH!

"Good morning class, I'm John Dela Cruz, you're Math teacher of this school year. I know its first day and let's first introduce yourselves but with a twist. Write your name in a piece of paper and put it this fish bowl," daldal niya sabay lapag ng fish bowl sa gitna ng kanyang lamesa.

Ilang segundo lang ang nagdaan ay natapos na rin kami sa pagsulat ng aming pangalan. Bago pa kami nakapagsimula ay may pumasok na isang magandang babae.

Is this Sapphire? But it's impossible, as what the other said Sapphire has silver hair colour and red eyes. This girl is has alloy orange hair colour and chocolate eyes.

"Transferee Miss?" tanong ni Sir Dela Cruz. Tumango lang ang babae at ngumiti. Nakapagtataka na ang tahimik ng mga kaklase ko, usually iingay yan sila pag may nakitang magandang babae kahit may guro sa harap nila. O—kay?

"Write your name and put it in here," saad ni Sir at tinuro ang fish bowl niya.

Naghanap ng mapupwestuhan ang babae at nang nahanap na niya ay dumiretso siya sa upuan na tabi ni Nix (in his left side) doon sa may bintana ngunit sa ikinagulat ko ay hindi siya pinayagan ni Nix kaya nakuha nilang dalawa ang atensyon namin. Napalingon ako sa likod ko, left side. Third row kami nina Kir at Xander, si Nix nasa fourth row.

"May naka-upo na diyan Miss," malamig na saad ni Nix.

"Bakit ba? I like to seat here!" maarteng sigaw nung babae.

Behind Her Mask (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon